Hipon

Hipon Girl, may tsansang mag-uwi ng korona — Ariella

May 8, 2022 Vinia Vivar 669 views

Breathe

Masayang-masaya ang beauty queen-turned-actress na si Ariella Arida na nakapasok sa Bb. Pilipinas si Herlene Budol, a.k.a. Hipon Girl.

“Actually, si Herlene, very close to my heart bilang nakasama ko sa Wowowin. I’m really, really proud of her,” sabi ni Ariella nang makatsikahan namin sa mediacon din ng Breathe Again.

Nakausap pa raw niya si Hipon Girl bago ito sumali sa Bb. Pilipinas.

“Nagkita kami sa studio, sabi niya ‘ate, sasali ako sa Binibini, pwede ba ako?’ Sabi ko, ‘oo naman ’no, basta magtanong ka sa akin kapag may question ka,’” kwento pa ni Miss Universe-Philippines 2013.

Dahil nga komedyante si Hipon Girl, akala raw niya ay nagbibiro lang ito kaya nagulat na lang daw siya nang makita niyang sumali na nga ito.

“In fairness, sobrang nag-bloom siya,” sey pa ni Ara (nickname ni Ariella).

Naniniwala ang former MUP title-holder na kayang-kayang kumuha ng korona ni Hipon Girl kahit either Grand International, International or any title.

“Sabi ko nga, ‘Girl, kung ako sa ‘yo, parang gusto kong mag-grand international ka tutal naman, ’di ba, ang peg nu’n talagang ikaw na ikaw? Feeling ko, ilalalaban mo ‘tong Pilipinas, saka maloloka sa’yo si anchor.’ So, itodo na natin, ’di ba?” aniya.

So, hindi siya naniniwalang “hipon” si Herlene?

“Ay, ngayon pa ba? No!” natatawa niyang sabi.

Pero aminado siyang nakatulong kay Herlene ang bansag na Hipon Girl dahil talagang sumikat daw ito dahil sa nasabing alias.

“Talagang sobra ‘yung recall until now sa kanya,” she said.

Mensahe niya kay Herlene, basta kailangan daw ang tulong niya or may tanong ito ay willing na willing siya to help.

Anyway, since nabanggit nga niya si Willie Revillame, natanong din kay Ara kung nagkikita pa ba sila ng TV host.

Aniya, ang huling kita nila noong finale episode ng Wowowin.

“Binisita ko lang nu’ng finale episode ng Wowowin. Doon po kami nagkita ni Hipon,” tsika ni Ara.

Hindi ba siya niyaya sa Villar network?

“Why not, ’di ba? Join lang nang join. Pero wala pa po nun’g time na ‘yun, kasi hindi rin namin matanong kung… siyempre, nakakahiya. Wala pa, wala pa po,” saad ng aktres.

Anyway, sumabak na rin si Ariella sa pagpapa-sexy at may mga maiinit nga siyang eksena kina Ivan Padilla at Tony Labrusca sa Breathe Again ng Vivamax.

SUPPORT SYSTEM, MAHALAGA

Malaki ang pasasalamat ni Charlie Dizon sa Viral Scandal sa pagmulat nito sa kanya sa napapanahon at relevant issues lalo na sa kahalagahan ng pagkakaroon ng support system ng mga biktima tulad ng kanyang karakter na si Rica.

“Feeling ko may nagbago sa akin talaga. Mas naging matatag ako. Mas naging open ’yung mind ko sa mga nangyayari sa paligid at sa social issues. Masasabi ko na proud na proud ako na nagawa ko ’yung Viral Scandal at naging part ako ng show na ito,” saad ni Charlie.

Inilahad din niya ang kanyang mga natutunan sa karakter niyang si Rica na ginagampanan niya sa serye at mga pinagdadaanan nito.

“In every victim, laging apektado ’yung buong environment niya and doon ka rin talaga makakakuha ng support system. Kahit anong mangyari, sila at sila pa rin ang babalikan mo. Para kay Rica, masuwerte siya na ’yung pamilya niya ay sinuportahan siya at ibinuhos ’yung pagmamahal sa kanya,” sey niya.

Katulad ng sabi ni Charlie, subaybayan kung paano makakatulong kay Rica ang suporta ng kanyang pamilya at nobyo sa laban niya para makamtam ang hustisya.

Patuloy na trending ang Viral Scandal dahil sa matapang na pagtalakay nito ng napapanahong isyu tungkol sa sex education, women empowerment, fake news at cancel culture.

Hindi rin ito naalis sa listahan ng most-watched shows sa iWantTFC.

Abangan ang huling limang gabi nito starting tonight, 9:20, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC at WeTV iflix.

AUTHOR PROFILE