Hipon

Hipon Girl, flattered maikumpara kay Gigi

March 17, 2022 Ian F. Fariñas 184 views

FLATTERED si Herlene “Hipon Girl” Budol na ikinukumpara siya ng netizens sa online singing sensation na si Gigi de Lana.

Ito ay matapos mapagkamalang si Gigi ang nasa teaser poster ng digital rom-com series kung saan bida na si Herlene, Ang Babae sa Likod ng Face Mask, na mapapanood sa Puregold YouTube channel tuwing Sabado, 6 p.m., simula March 26.

Sa virtual mediacon ng 13-episode series, kung saan kapareha ni Herlene ang showbiz hunk na si Kit Thompson, sinabi niya na, “Siyempre po ano, karangalan sa akin ’yon kasi maganda si Ate gg tapos ang galing pa niya. Nakakatuwa po na naikukumpara na ako sa magagaling saka sa magaganda.”

Kinikilig din siya sa mainit na pagtanggap ng publiko sa teaser ng Ang Babae… at sa chemistry nila ni Kit.

Ani Herlene, “Sobrang saya ko po talaga. Ito ang unang serye na bida ako na mahaba. Salamat at nabigyan ako ng chance. Kinilabutan ako, ang ganda ng kiinalabasan ng ginawa ko, pati acting ko.

Kulang kasi talaga ako sa confidence kaya siguro para sa akin talaga ito. Kasi relate talaga ako, kasi hindi naman ako ganu’n ka-fresh, kaya kumakapit talaga ako sa face mask. Hindi ako nagkikilay, o lip tint. Namamalengke ako na fresh. Relate talaga ako.”

Maging si Kit, super aliw sa napanood na trailer.

“Ang ganda! Nakangiti lang ako the whole time pinapanood ko. Ang taba ng utak. Naluha ako sa sobrang tuwa. Ang ganda, kakaiba. So fresh. Salamat. Salamat sa Puregold,” anang aktor.

“’Yun nga, may bonus ako, ang gwapo ng kapartner ko!” hirit naman ni Herlene. “Napapanaginipan ko nga minsan si Kit! May mga titigan kaming malapitan, talagang grabe…!” kinikilig pang diin ng dalaga.

Produced by Chris Cahilig sa ilalim ng direksyon ni Victor Villanueva, kasama rin sa cast sina Mickey Ferriols, Kiray at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE