Hiniling ng mga doktor sa mga mambabatas, Duterte na ibasura ang Vape Bill sa SB 2239, HB 9007

September 4, 2021 People's Tonight 253 views
Sa isang virtual press conference, mahigit 100 doktor mula sa
ibat-ibang medical societies ang nanawagan sa mga mambabatas na
ibasura ang panukala sa Kongreso na magpapahina sa “restrictions” ng
paggamit, pagbebenta at regulasyon ng vapes, e-cigarettes, at heated
tobacco products (HTPs).
Iginiit ng mga doktor ang “Junk the vape bill!” na nakapaloob sa
Senate Bill (SB) No. 2239 at House Bill (HB) No. 9007.
Nanawagan rin ang mga doktor kay Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte na
agarang i-veto ang panukala sakaling maaprubahan ito ng Kongreso.
Kabilang sa grupo ng mga doktor ang mga opisyal ng Philippine Medical
Association, Philippine College of Physicians, Philippine Pediatrics
Society, Child Neurology Society of the Philippines, Asia-Pacific
Center for Evidence-Based Healthcare, Philippine Heart Association; at
Philippine College of Chest Physicians.
Sinabi ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of
Physicians, na limang pangunahing bagay ang kanilang kinontra sa
panukala na kinabibilangan ng “(1) The lowering of the age limit to
access e-cigarettes from 21 to 18; (2) easing of restrictions on
flavors, which they said specifically target young users; (3)
deregulation of authority over e-cigarettes from the Food and Drug
Administration (FDA) to the Department of Trade and Industry; (4)
allowing vaping in schools, hospitals, and public places; and (5) the
absence of a provision banning sales of e-cigarettes to non-smokers.”
Sinabi ni Limpin na pahihinain ng panukala ang mahigpit na regulasyon
sa ilalim ng Sin Tax Reform Act o Republic Act (RA) No. 11466 na
naisabatas noong nakaraang taon.
Sa ilalim ng RA 11466, obligasyon ng Food and Drugs Administration
(FDA) ang mahigpit na pagpapatupad ng regulasyon sa harmful products;
pagbabawal sa mga may edad 21 anyos na gumamit ng vape; at limitadong
flavors sa plain tobacco at plain menthol upang hindi maging
kaakit-akit sa mga batang konsiyumer.
“This measure is anti-youth and anti-health, because it puts public
health and young consumers at risk at a time when we should be
strengthening the health system against COVID-19,” ani Limpin.
Sa kanilang presentasyon, nagbabala sina pediatric pulmonologist Dr.
Corry Avancena at pediatric neurologist Dr. Kristine Latorre-Medoza
kaugnay sa harmful chemicals ng paggamit ng vapes na magpapahina sa
immune system at sisira sa brain development.
Iginiit naman ni Dr. Glynna Ong-Cabrera na mahalagang laging malusog
at malakas ang baga sa gitna ng coronavirus disease-19 (COVID-19)
pandemic.
Ayon kay Ong-Cabrera, napapalakas ng paninigarilo at paggamit ng vape
ang tiyansa na magkaroon ng virus at pagkakaroon ng comorbidities,
kabilang ang heart attack, lung ailments, at stroke.
Sent from my iPad

AUTHOR PROFILE