Rita

Hindi si Ken ang ama ng dinadala ni Rita

June 27, 2022 Aster Amoyo 233 views

KUNG napapabalitang buntis ngayon ang tinaguriang Vivamax Queen, ang Viva sexy star na si AJ Raval courtesy of her rumored boyfriend, ang actor na si Aljur Abrenica, buntis din ngayon ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela na kanyang kinumpirma at i-announce last Sunday (June 26) sa programang “All Out Sundays” musical variety show ng GMA matapos niyang kantahin ang “Love On Top” ni Beyonce.

Inakala ng fans na si Ken Chan ang ama ng ipinagbubuntis ngayon ng Kapuso singer-actress pero mukhang iba ang ama ng dinadala nito ngayon.

Agad namang nag-post sa kanyang Instagram account si Ken bilang suporta sa kanyang kaibigan at (dating) ka-loveteam na si Rita.

“To you and your baby,

“I’m here if you need anything, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support & love to surround you & your baby.

“As a friend, as someone who cares, I’ll be here for you no matter what. I

“Am so proud of you!”

Narito naman ang mensahe ni Rita.

“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life.”

Ngayong inamin na ng Kapuso singer-actress ang kanyang pagbubuntis (although hindi pa niya nire-reveal ang ama ng magiging unang baby), end na rin ito ng loveteam nila ni Ken na inakala ng marami ay siyang tunay na boyfriend ni Rita.

JCJC1Beautederm

JC at misis na si Shyleena bagong ambassadors ng Beautederm

SUNDAY is supposed to be a rest day and a family day to others. But when Beautederm president-CEO Rhea Anicoche-Tan texted me along with a follow-up call from the company’s GM Mylene Timbol and another text from Beautederm’s PR `girl’ Chuck Gomez, how can I say no to these three sweetest people on earth inviting us to attend another grand event of the company at Marriott Hotel in Clark, Pampanga?

We knew beforehand that Kapampangan singer-actor JC Santos’ contract signing was one of the highlights of the event but there were more surprises last Sunday afternoon. Hindi lamang pala si JC ang bagong karagdagan sa exisiting 75 brand ambassadors ng Beautederm kundi kasama rin ang kanyang non-showbiz wife na si Shyleena Herrera, plus twelve other local new brand ambassadors na mga kilalang personalidad sa Pampanga na nagmula sa iba’t ibang field tulad ni Dr. Rowena B. Medina, Isabel Lim, Lance Tan, Joanna Ning Cordero, Voltaire Zalameo, IC Calaguas, Marlon Tuazon, Reina Manuel, Frederick Policarpio, Michelle Viray, Mariah Santos at ang internationally-acclaimed fashion designer na si Mak Tumang. Sabay-sabay silang lumagda ng kontrata with Beutederm. Pagkatapos ng contract-signing and Q&A with the twelve local ambassadors ng Beauteaderm, sunod namang ipinakilala ang mag-asawang JC at Shyleena.

It was Shyleena’s first time to meet the local and national entertainment media kaya hindi nito ikinaila na ninerbiyos umano siya kahit kasama niya ang kanyang celebrity husband na si JC.

Si Shyleena ang dating high school crush ni JC nung nag-aaral pa sila sa isang school in Angeles, Pampanga. Unfortunately during that time ay nabasted ang actor at hindi umano niya inisip na muling magtatagpo ang kanilang landas many years later hanggang maging sila. The couple got married on September 2019 at kasunod na rito ang pagkakaroon ng kanilang unang supling, ang three-year-old na si River Altheia.

Since the couple got married, muling nag-relocate si JC sa Angeles, Pampanga to be with his family.

Nagkataon naman na halos neighbors lamang ang mag-asawang JC atShyleena at ang lady boss ng Beutederm na si Rhea Anicoche-Tan. The couple are also regular clients ng Beauderm clinic. Dito nagkaroon ng idea si Rei na kunin ang mag-asawa bilang brand ambassadors ng BEAUTeHAUS which will be officially launched this September. It’s a brand new seven-storey building which houses the Beautederm clinic (two floors) with twenty treatment rooms, a coffee shop, A-List Avenue (ng mga branded items for sale), offices, executive office , reception area, meeting room, function rooms (for rent), in-house photography studio, VIP rooms at iba pang amenities.

Napaka-impressive ng interior ng Beautehaus, now considered as thebigggest beauty clinic in Central Luzon. At ang mag-asawang JC at Shyleena ang magsisilbing Faces of BeauteHaus.

Samantala, isa kami sa napakaraming natutuwa sa patuloy na tagumpay ni Rei Tan dahil sa kabila ng kanyang sunud-sunod na blessings, patuloy naman ang kanyang pagtulong sa maraming nangangailangan.

“My purpose in life ay hindi para magpayaman kundi para baguhin angbuhay ng maraming tao,” she humbly said.

Rei is not only well-loved by her family, friends, employees, brandambassadors, resellers, her scholars kundi ang lahat ng taong kanyang natutulungan dahil sa kanyang likas na pagiging generous at pagiging humble sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay sa kanyang mga negosyo.

Lovi at Janine parehong maganda ang career at lovelife

ANG mga singer at actors na sina Lovi Poe at Janine Gutierrez ay parehong nagsimula sa bakuran ng GMA at ngayon ay pareho nang nasa bakuran ng ABS- CBN. Ang dalawa ay parehong alaga ng talent manager na si Leo Dominguez. Magmula nang maging Kapamilya ang dalawa, agad sila sumabak sa kanilang respective projects.

Tapos na ang airing ang unang TV series ni Janine, ang “Marry Me, Marry You” nung isang taon habang may follow-up series siyang ginagawa ngayon, ang “Dirty Linen” na pinagtatambalan nila for the first time ni Zanjoe Marundo na kagagaling pa lamang sa hit primetime adaptation ng BBC hit series na “Doctor Foster” at ginawang “The Broken Marriage Vow.” Habang si Lovi ay tapos nang gawin ang isa pang adapation ng K-drama series na “Flower of Evil” with ultimate leading man Piolo Pascual. Ito’y bukod pa sa queer romance series na “Sleep with Me” na tinatampukan naman nila ni Janine mula sa panulat at direksiyon ni Samantha Lee at joint production ng Dreamscape Entertainment and Project 8 Projects. Ang nasabing serye ay nakatakdang i-ere sa darating na Agosto na nakatakdang ipalabas sa iWant TFC at sa iba pang platform.

Sa ganda ng takbo pareho ng career nina Lovi at Janine, masayang-masaya ang dalawa na `magkapatid’ sa management company ni Leo Dominguez.

Lovi (33) is in a long distance relationship with L.A.-based British film producer na si Montgomery ‘Monty’ Blencome habang si Janine has yet to confirm her romance but happy with actor Paulo Avelino na isa rin sa mga alaga ni Leo na nanggaling din sa bakuran ng Kapuso Network bago lumipat sa Kapamilya network.

Janine is currently working on her new TV series, ang “Dirty Linen” na binubuo ng isang powerhouse cast.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

 

AUTHOR PROFILE