Hindi prayoridad ang pagputol – Meralco

May 20, 2021 People's Tonight 66 views

NILINAW ng tagapagsalita ng Manila Electric Company (Meralco)na hindi nito prayoridad ang pagputol ng serbisyo ng mga kostumer nito.

Sa panayam sa programa ni Kabayan Noli de Castro sa Teleradyo iginiit ni Joe Zaldarriaga, Vice President for Corporate Communications ng Meralco na “bagaman muli namin inanunsiyo ang pagbabalik ng disconnection activities kasabay ng pagpapasailalim ng Metro Manila, Laguna, Rizal at Cavite sa general community quarantine with heightened restrictions, patuloy din naman po kaming magmamalasakit sa aming mga kostumer,” ani Zaldarriaga.

Giit din niya na patuloy na magbibigay ng konsiderasyon ang kanilang tanggapan “on a case to case basis” o depende sa mapagkakasunduan ng kumpanya at mga kostumer nito.

“Kami po ay makikinig at aming pagaaralan ang kakayahang magbayad ng aming mga kostumer. Handa po kami makipagtulungan sa aming mga kostumer sa paghahanap ng paraan para maiwasan ang pagputol ng serbisyo.”

Pinaalalahanan din ng pamahalaan ang mga konsyumer na may kakayahan na magbayad, na gawin ito upang makatulong masiguro ang patuloy na paghatid ng serbisyo ng kuryente.

Maaring sumangguni ang mga kostumer sa mga social media accounts ng Meralco sa Facebook o Twitter, tumawag sa hotline 16211 o mag-email sa customercare@meralco.com.ph.

“Sa ganitong paraan, maaring matugunan na ang kanilang problema, nawa’y magkaroon ng kasunduan at karampatang solusyon bago pa sila magtungo sa aming mga tanggapan,” ani Zaldarriaga.

AUTHOR PROFILE