Kim

Hindi nape-pressure si Kim Chiu sa mga nakikitang kaliwa’t kanang proposals, engagements at pagpapakasal sa showbiz.

August 12, 2023 Vinia Vivar 732 views

As we all know, matagal na ring in a relationship si Kim with Xian Lim at noon pa’y inaabangan na ng publiko ang kanilang engagement at pagse-settle down.

Sa panayam ni Bianca Gonzalez kay Kim para sa CinemaNews, isa sa mga naging tanong sa aktres ay kung nape-pressure ba siya seeing her colleagues either engaged or married.

“Ah… hindi naman. Kasi, mas matanda naman sila sa ‘kin. So parang why am I gonna be in a hurry? So, parang mayroon namang tamang timing for everyone.

“Maybe it’s their time now. So, parang bakit ka naman makikisabay? Mas maganda ‘pag ikaw lang,” sey ni Kim.

Dagdag pa ng aktres, kanya-kanyang season lang ‘yan at sa ibang season siya.

“Season nila ngayon, so, sa ibang season tayo. So, parang bakit mo naman ira-rush ‘yung mga bagay dahil uso siya ngayon? So, parang hindi naman siya damit na susuotin mo, pwede mo hubarin.

It’s a commitment kasi.

“So, parang since magkakaedad sila, parang siguro it’s their time na. So, parang mayroon namang timing. Timing is everything,” she said. “I don’t feel any pressure right now,” giit pa ni Kim.

AUTHOR PROFILE