Dequina

Hindi adik ang Pangulo — ex-pol officer Dequina

August 6, 2024 Camille P. Balagtas 281 views

HINDI adik ang Pangulo!

Ito ang tahasang sinabi ng isa sa dating political officer ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na si G. Gerald Dequina ng siya ay boluntaryong lumantad sa publiko.

Ayon kay Dequina bilang isang political officer ay nakatutok siya sa Pangulo at kasa-kasama niya ito sa lahat ng kanyang mga lakad hanggang sa matapos o makauwi sa bahay sa Pangulo.

Si Dequina ay nagsimulang makasama ng Pangulo noong 2013 at noong 2016 ay kasama pa din niya ito sa laban nito sa pulitika.

Binigyang-linaw ni Dequina na hind lamang panandaliang oras na kasama ang Pangulo noong dating empleyado siya nito kundi halos mahigit sa 18 oras at naghihiwalay na lamang sila kung ito ay maitutulog na.

Tinukoy ni Dequina na simula sa umaga sa pagggising ng Pangulo ay agad itong nakikipag-ugnayan sa kanya habang nasa bahay at matapos ang kanilang usapan sa telepono ay agad siyang tutungo sa bahay nito para samahan ang Pangulo para sa kanyang lakad maghapon.

Kung kaya’t napakaimposible aniya na makaligtas sa kanya para gumamit ng illegal na droga o bisyo ang Pangulo.

Katwiran ni Dequina na wala naman sigurong tao na ipapakita sa miyembro ng kanyang pamilya o mga tauhan niya na siya ay magbibisyo na lubhang imposible.

Iginiit pa ni Dequina na wala naman sigurong tao na maghapon nang pagod na kung saan madalas ay hanggang gabi pa nagtatatraaho ang makukuha pang gumakt ng legal na droga at magbisyo lalo na’t may mga gawain pa kinabukasan.

Nanindigan si Dequina na tagal na panahon na na kasama niya ang Pangulo ay wala siang nakitang bisyo nito lalo na’t galit na galit ito sa tuwing makaklanghap o makakaamoy ng usok ng sigarilyo.

Ipinunto pa ni Dequina na bukod sa usok ng sigarilyo ay ayaw na ayaw din ng Pangulo na makaklanghap ng mga air freshener kung kaya’t malabo ng mag-droga ito na mayroong nilalamang mga ingredients na maaring magdulot ng hindi maganda sa katawan.

Naniwala si Dequina na ang mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa Pangulo ay mga taong gusto ng sirain ang kasalukuyang administration at nais na isulong ang kanilang personal na Interes.

Ibinunyag pa ni Dequina na noong kasagsagan ng kampanya ay kasama-kasama siya ng Pangulo sa lahat ng lakad nito mapa out of town man o hndi.

Dahil dito payo, ni Dequina sa publiko particular na ang mga mamamayang Filipino na huwag basta-basta maniwala sa mga taong nagbibigay ng maling impormasyon at paninira at hindi katotohanan laban sa Pangulo ng bansa.