Mendoza

Hiling ng transport groups: P10 fare ibalik!

March 21, 2022 Jun I. Legaspi 294 views

NAISAMPA na ng mga major transport groups ang Motion for Reconsideration sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 revision para ibalik sa P10 ang regular fare sa National Capital Region, Region 4 at Region 3.

Ayon kay Atty. Vigor Mendoza II, Lunes ng hapon ng matanggap ng (LTFRB) Central Office ang mga documents at pieces evidence na nagpapatunay na dapat aprubahan ng board ang P1 revision na hiling ng mga transport groups sa pangunguna ng 1-United Transport Alliance Koalisyon, PASANG-MASDA, ALTODAP At ACTO.

Sa interview sinabi ni Mendoza II, manilaw na ipinakita ng legal team ng grupo kasama si Atty. Greg Pua point by point kung bakit dapat i-grant ng LTFRB ang kanilang P1.00 petition of revision.

Inisa isa rin ng legal team ng grupo ang lahat ng mga ebidensiya kung bakit hindi dapat tanggihang ibalik ng LTFRB ang P1 pamasahe para ibalik sa P10 ang regular na pamasahe.

Inisa isa rin ng legal team ni Atty. Mendoza sa kanilang motion ang mga naunang decision ng Supreme Court na pumabor sa transport group kaugnay sa mga isyu ng pamasahe sa mga public transportation.

Nauna rito nitong nakaraang Biyernes (March 19,2022) hindi pinayagan ng LTFRB ang hiling ng grupo ni Mendoza II na ibalik ang P1 dagdag na pamasahe para bumalik sa P10.00 ang regular na pamasahe.

Nagpahayag nang pagkadismaya ang mga transport groups sa nasabing decision ng board.

Ayon kay Mendoza, gagamitin nila ang lahat ng legal remedy sa board at posibleng iakyat nila ang kanilang isyu sa Supreme Court sakaling mabigo sila uli sa isinampa nilang MR.

AUTHOR PROFILE