Ariel Inton

Hiling ng transport groups: NCAP suspendihin

September 14, 2021 Jun I. Legaspi 407 views

MARIING nanawagan ang mga commuter at transport groups na suspindihin muna ang implementation ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Kabilang ang Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) na humihiling sa pagsuspindi sa naturang city ordinance sa Quezon City at ibang mga local government units (LGUs).

Sa isang interview, pinaliwanang ni Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, na kung ipasasagot ang lahat ng traffic violations ng driver sa operator ay hindi maid-disiplina ang mga pasaway.

Sinabi pa ni Inton na marami ang tutol sa NCAP dahil ang napaparusahan ng multa ay hindi ang lumalabag sa traffic rules.

Pakisuyo ng LCSP sa mga LGUs na silipin nila ang panukala ni Congressman Doy Leachon na ma-regulate ang NCAP sa buong bansa bago ipatupad ang policy.

Nauna rito, nagsagawa ng pagkilos ang ilang transport groups upang hilingin na huwag munang ipatupad ang nasabing policy.

Sa Manila, inaasahan ng mga tranpsort groups na pagbibigyan sila ni Mayor Isko Moreno sa kanilang pakiusap na pansamantalang suspindihin muna ang nasabing ordinansa, at umaasang amyendahan ang batas bago uli ipatupad.

Ang tricycle na pinakaapekdatong sector ay umaasa rin na pakikinggan ni Mayor Isko ang kanilang pakiusap na suspindihin muna ang nasabing batas.

AUTHOR PROFILE