Default Thumbnail

Hiling ng CTAP: Regulating agency para sa shipping line charges

June 26, 2023 Tess Lapuz-Lardizabal 309 views

Tess LardizabalPATULOY ang Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) na umaasa sa pagkakaroon ng gobyerno ng isang regulating agency na magmamando at sisilip sa mga umano’y unregulated charges na ipinapataw ng shipping lines sa mga truckers at brokers.

Sa kasalukuyan, walang ahensiya ng gobyerno sa pilipinas na humahawak at nagdedesisyon sa mga charges at iba pang fees na ipinapatupad ng mga shipping lines. Kaya naman malaya ang bawat shipping line na ipataw ang iba’t ibang local charges.

“Kailangan talaga magkaroon tayo ng isang government regulating agency. Para siya na ang tumitingin at nagdedesisyon kung anong charges ang ibinibigay sa amin or before mag charge si shipping lines ng kanilang charges, dadaan muna dapat sa kanilang regulating body. Gano’n naman kasi talaga ang dapat,” ani Wellcargo Customs Brokerage Inc, Import/Export Supervisor Januario Panaligan.

Base kasi sa invoice billing na natatanggap ng mga brokers mula sa mga shipping lines, may mga charges umano na hindi sila pamilyar tulad na lamang ng peak season surcharge na dating congestion surcharge.

“‘Yung dating congestion surcharge, ginawa nilang peak season surcharge. Kasi pag sinabing peak season, maraming kargamento. So, pagka maraming kargamento, congested. Gano’n lang din ‘yon. Walang pinagkaiba. Iniba lang nila yung tawag. So, ang nangyayari ay hindi pa rin nababawasan ‘yung mga charges na binabayaran namin sa kanila. Mas dumami pa nga,” saad ni Panaligan.

May “redundant” at unnecessary charges ang ibinibigay umano ng mga shipping lines na binabayaran ng mga brokers at importers gaya ng container cleaning fee, container handling fee, container imbalance surcharge, terminal handling charge, at iba pang charges na pinapauso ng mga shipping lines.

“The rates are not regulated. No government office regulating them kaya they can do that anyway. Kagaya ng, halimbawa, terminal handling charge tapos mayroon pang port cargo handling. Eh hindi naman sila nagha-handle eh. Pangalawa, ‘yung container imbalance fee, ang import kasi natin is mas marami kaysa sa export. So, ‘yung pamasahe nu’ng export sa pagbalik ng empty [container] sa mga container yard. ‘Yun na ‘yung bayad doon. Eh ‘di ba mayroon na ring binabayaran o kinakargahan sa mga export? So, imagine mo ‘yun. Naningil na sila sa import, naningil pa sila sa export, ” ani CTAP President Mary B. Zapata.

Samantala, nagkaroon din naman ng improvement ang mga shipping lines pagdating sa mga ilang bagay gaya ng container deposit refund gayundin ang pagtanggap sa mga isinasauling empty containers.

“Try to re-consider naman ‘yung kanilang mga charges and to be fair. If they really love the country and really want to have the government to address the inflation, they have the most party na dapat mag-consider ng kanilang mga charges,” dagdag ni Zapata.

Para sa komento at suhestiyon, mag-email sa journalnews.com.ph o mag-text sa 09175841714.