Hilda nagbabalik-pelikula pero walang balak magtagal sa Pilipinas

December 22, 2024 Aster Amoyo 101 views

Hilda1Hilda2TAONG 2012 pa ang huling pelikulang ginawa ng Los Angeles-based award-winning actress na si Hilda Koronel sa pamamagitan ng pelikulang “The Mistress” na pinangunahan nina John Lloyd Cruz and Bea Alono and twelve years later ay saka naman formal na in-announce ang kanyang muling pagbabalik sa showbiz sa pamamagitan ng pelikulang “Sisa,” isang period war movie mula sa panulat at direksyon ni Jun Robles Lana na nakatakdang simulan anyday soon. Ang nasabing pelikula ay walang kinalaman sa “Sisa” character ng Noli Me Tangere book ng Philippine National Hero na si. Dr. Jose Rizal.

“This definitely a different character and story,” pahayag ng award-winning writer-director na si Direk Jun Lana.

“Sisa” is intended for the 2025 Cannes Film Festival in Cannes, France na tatampukan ng mga Filipino and American actors.

Maraming Filipino followers ni Hilda ang natuwa sa muli nitong pagbabalik showbiz na mahigit dalawang dekada rin niyang tinalikuran para harapin ang kanyang married life sa Amerika.

Although maraming mga kabataan sa bagong henerasyon ang hindi na halos nakakakilala kay Hilda, tiyak na ito’y kilala ng kanilang parents and even their grandparents dahil isa siyang icon sa industriya ng pelikulang Pilipino. One of the original babies of the late megman na si Lino Brocka, aminado ang veteran actress na lahat ng mga itinuro sa kanya ng yumaong director na si Direk Lino ay kanyang isinapuso.

Hilda was only 13 nang kanyang gawin ang pelikulang “Santiago” in 1970 na tinampukan ng movie king na si Fernando Poe, Jr. at drama king na si Dante Rivero at pinamahalaan ni Lino Brocka under Lea Productions kung saan siya naka-kontrata. Since then ay naging paborito na siya ng award-winning director na siya ring nag-direk ng iba pa niyang mga pelikula tulad ng “Tinimbang Ka Ngunit Kulang,” “Insiang,”

“Maynila sa mga Kuko ng Liwanag” at iba pa. The late filmmaker also directed her in her weekly drama anthology on TV, “Hilda”. From Lea Productions ay nakagawa rin siya ng mga pelikula under Viva Films, Regal Films at iba pa. Ilan pa sa kanyang mga classic movies include “Kung Mangarap Ka’t Magising,” “Gaano Kadalas ang Minsan,” “Sana Bukas Pa ang Kahapon,” “Kung Mahawi Man ang Ulap,” “Beloved,” “Nasaan Ka ng Kailangan Kita,” “Nagsimula sa Puso” at marami pang iba.

aong 2005 naman ang huli niyang TV series na ginawa sa pamamagitan ng “Ikaw ang Lahat sa Akin” under ABS-CBN na tinampukan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, John Lloyd Cruz and Bea Alonzo.

Aminado si Hilda na naging major decision on her part nang kanyang talikuran ang showbiz to migrate to the U.S. to be with her Fil-Am husband na si Ralph Moore. Adjusting to her life in the U.S. na walang helpers sa bahay was also a challenge pero sa kalaunan ay na-embrace din niya ang buhay sa Amerika hanggang sa siya’y masanay na.

Since marami namang mga Filipino celebrities ang naka-base sa California, USA at may Filipino community doon, she developed her own set of friends in the U.S. and would also attend some of the community’s social activities para malibang.

Kahit sa Amerika na naka-base si Hilda, tuluy-tuloy umano siyang nakatatanggap ng offers from the Philippines both for TV and movies pero aminado siya na naging picky umano siya sa proyekto na kanyang tatanggapin.

Dapat sana’y may pelikula siyang gagawin nung 2019 but pandemic struck kaya hindi ito natuloy. Nang unti-unti nang bumalik sa normal ang lahat ay nagsimula na naman siyang makatanggap ng alok until she got an offer from IdeaFirst Company (nina Direk Jun Lana and Direk Perci Intalan), Quantum Films, etc. which she couldn’t resist. According to Hilda, the presentation of the entire film project (via Zoom) was very impressive kaya hindi umano siya nag-dalawang salita at agad niya tinanggap.

“I love the story, the cast, the people behind the project and everybody else,” aniya.

Bukod sa kanyang bagong film project, she also got for herself a new business manager na si Shirley Kuan na siya ring manager nina Albert Martinez at Bea Alonzo to represent her sa lahat ng mga business negotiations on her behalf lalupa’t sa Amerika siya naka-base.

Bukod sa kanyang comeback project, ang “Sisa,” may iba pa umanong offers na kanilang pinag-aaral ngayon.

Dahil sisimulan na ang “Sisa” any day soon at meron nang target date na hinahabol, Hilda will be spending Christmas and New Year in the Philippines (na matagal na niyang hindi ginagawa) maging ang kanyang 70th birthday celebration on January 17, 2025. But as soon as matapos ang principal photography ng pelikula ay muli siyang lilipad ng L.A. para dumalo sa nalalapit na Manila International Film Festival in Hollywood kung saan ipapalabas doon ang sampung pelikulang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival.

Si Hilda ang kauna-unahang recipient ng Lifetime Achievement Award mula sa Manila International Film Festival which was handed to her sa awards night ng MIFF nung February 3, 2024.

Sa kabila ng sunud-sunod na offers na dumarating kay Hilda through her manager na si Shirley Kuan, hindi umano siya magre-relocate back sa Pilipinas kundi magpapabalik-balik na lamang umano siya between Amerika and the Philippines kung may mga proyekto siyang gagawin sa Pilipinas.

Samantala, hindi nito ikinakaila ang kanyang pang-iiwan noon sa set kapag pinaghihintay siya nang matagal. Wala rin umano siyang pasensya kapag late nagsisidatingan ang lead stars o ibang members of the cast. Ang ginagawa niya ay iniiwan din umano niya ang set. There were also times na ibinabalibag niya ang script kapag ang artista ay dumarating na hindi saulado ang kanilang mga linya. Ang katwiran niya, she always come on time kaya ayaw niyang papaghintayin siya ng kung sino.

She always come on time at professional siya pagdating sa kanyang kanyang trabaho kaya she expects the same way sa kanyang mga kasamahan.

Samantala, hindi ikinakaila ni Hilda ang kanyang excitement in doing the film “Sisa” and the people na kanyang makakatrabaho na marami sa kanila ay ngayon lamang niya makakasama.

‘EB’ family, iba pang kaibigan dumalo sa kasal nina Jose at Mergene

JoseJose1Jose2Jose3Jose4Jose5Jose6ANG buong family ng “Eat Bulaga” na pinangungunahan nina former Senate President Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon ay present sa wedding ceremony ng isa sa mga hosts at Dabarkads ng longest-running noontime show, ang “Eat Bulaga” na si Jose Manalo at ang misis na nito ngayon na si Mergene Maranan, dating member ng EB Babes Dancers na ginanap sa Boracay nung nakaraang Martes, December 17. It was only last December 2, 2024 nang ma-engage ang dalawa.

Kasama ni Tito Sen ang kanyang wife na si Helen Gamboa Sotto. Kasama rin ni Bossing (Vic) ang misis niyang si Pauleen Luna and their children na sina Tali at Poochi maging si Joey at bitbit naman ang kanyang wife na si Eileen Macapagal. Naroon din ang mag-partner na sina Ice Seguerra at Liza Dino at iba pang mga kasamahan sa “Eat Bulaga” tulad nina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, among others.

Jose was already estranged from his late wife na si Annylyn Santos bago ito sumakabilang-buhay nung Januaray 2022. Ang dating mag-asawa ay may limang anak na sina Myki (na isa nang ganap na doctor) Benj and Nico na parehong actor, si Ai na isang account manager ng isang kumpanya at musician naman si Colyn.

Present din sa kasal nina Jose at Mergene ang kanilang respective families and close friends.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE