Dizon Si MPD director Andre P. Dizon, matapos dumalo sa isang aktibidad sa simbahan. Pinaalalahanan niya sa komunidad na ang kapulisan ang lalapit sa kanila bilang aktibong pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa mamamayan. Kuha ni JON-JON REYES

Higit P.5M shabu nasabat ng MPD; ‘tulak’ tiklo

June 20, 2023 Jonjon Reyes 440 views

SWAK sa selda ang isa umanong “tulak” ng ipinagbabawal na gamot sa isang buy-bust operation at nabawi ng mga otoridad ang mahigit kalahating milyong halaga ng iligal na droga, sa harap ng isang bahay sa Jeorge Bocobo Street, Malate, Lunes ng gabi.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre P. Dizon, ang target ng operasyon, 48, ng Maria Orosa St., Malate, Maynila ay dinakip ng mga operatiba matapos magpositibo ang nasabing operasyon.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Melvin Florida Jr., hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), bandang 10:05 ng gabi (Hunyo 19), nang isagawa ang buy-bust sa nasabing lugar.

Dahil na rin sa “tip” ng isang impormante, pinangunahan ni P/Cpt. Jason Viola ang pag-aresto sa suspek.

Kabilang si PSMS Jonathan Asido at ilang nitong mga tauhan ng DDEU, ang nagplano sa operasyon para malambat ang akusado.

Isang police poseur buyer ang nakipagkita sa suspek at matagumpay na nakabili ng shabu kapalit ang markadong P500.

Nang magkaabutan na, dito na nagbigay ng hudyat upang dakmain ang suspek.

Narekober ang anim na bulto ng shabu na nakalagay sa plastic sachets na tumitimbang ng pitong gramo na may street value na P510,000, sling bag, at marked money.

Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng Republic Act (RA) 9165 ang sinasabing tulak.

Pinapurihan at pinasalamatan naman ng direktor ng MPD na tinaguriang “The Game Changer General” na si Dizon sina Florida Jr. at DDEU sa naging matagumpay na operasyon.

Ang bawat operasyon na ginagawa ng mga kapulisan ng Maynila ay bilang pagtalima sa “Serbisyong Nagkakaisa” na bahagi ng “5-Focused Agenda” na programa nina PNP (Philippine National Police) chief General Benjamin Acorda Jr at sinabing, “We shall be relentless in anti-criminality campaign thru intensive police visibility and sincere police presence.”

Nagpahayag rin si NCRPO (National Capital Region Police Office) chief PMGen. Edgar Alan Okubo na, “It is my desire that our men in NCRPO will go down to the community and implement the ‘Revitalized Police in the Barangay.’ Let us bring the police to the center of the community and not the community going and finding where the police are.”

Agad naman nagpahatid ng mensahe si Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at sinabing “Ang nais ko sa pulis natin ay hindi lamang nakikitang nakatayo sa kalsada, bagkus kumikilos at tumutulong sa kaayusan ng nasa paligid niya.”

Ayon pa kay Dizon, lagi rin nilang sinusuportahan ang naging mensahe ni DILG (Department of the Interior and Local Government) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na, “Lahat tayo ay dapat na kumilos na at maging BIDA laban sa iligal na droga. Sa ating mga kamay nakasalalay ang isang magandang bukas para sa ating mga kabataan na malaya sa salot na droga.”

Upang maging ligtas, mapayapa at matiwasay ang Lungsod ng Maynila at ilang kalapit lugar nito, ay lalo pang palalakasin ang puwersa laban sa mga kriminal at sa mga naghahasik ng karahasan at ito ay ayon din sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na, “I want every family to feel safe and secure when they are out in the streets even at midnight,” ayon kay Dizon.

AUTHOR PROFILE