Default Thumbnail

Higit 1M deboto inaasahang dadalo sa pista ng Black Nazarene

January 5, 2023 Jonjon Reyes 217 views

AABOT sa mahigit kumulang isang milyong Katoliko at deboto ang inaasahang dadalo sa aktibidad sa Quirino Grandstand sa Ermita, Lungsod ng Maynila para sa kapistahan ng Itim na Nazareno simula ngayong Sabado.

Ito ang ipinahayag ni Fr. Earl Valdez, attached priest ng Quiapo Church, na inaasahang maraming tao ang dadalo sa pagdiriwang sa nasabing lugar.

“In previous years (pre-pandemic), we reached millions in total, and all (holy) masses were filled. In the grandstand, probably, the usual number of devotees pre-pandemic. We expect the grandstand to have whatever devotees can occupy, and together with the line for the tribute, it will really reach a million,” pahayag ni Fr. Valdez.

Tatlong araw na mananatili ang imahe ng Black Nazarene sa Quirino Grandstand mula Enero 7 hanggang 9.

Ang panimulang aktibidad ay ang “pagpupugay” na magsisimula ng Enero 7 hanggang 9, na papalit sa tradisyonal na “pahalik.”

Magdadaos ng misa sa Enero 8 ng hatinggabi na pangungunahan ni Fr. Rufino Sescon Jr., rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, na susundan ng “Walk of Faith” procession.

Magsisimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church sa Quezon Boulevard.

Pangungunahan naman ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang Feast Day Mass sa hatinggabi ng Enero 9.

Mahigpit naman ang ilalatag na seguridad sa paligid ng grandstand sa mga daraanan ng Walk of Faith, hanggang sa mairaos ang prusisyon at maipasok ito sa simbahan ng Quiapo, batay sa kautusan ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon.

AUTHOR PROFILE