“High praises” para sa BOC-AMO
PARANG orchestra kung magtrabaho o mag-operate ang iba’t ibang opisina ng Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
At kailangang sumunod sa kumpas ni Rubio ang lahat ng kanyang mga opisyal at tauhan para masiguro ang tagumpay ng mga programa at proyekto ng ahensya.
Hindi puwedeng kanya-kanyang diskarte ang mga hepe.
Kitang-kita naman ng taumbayan ang magandang resulta ng pagsunod nila sa kumpas ni Commissioner Rubio.
Kagaya nitong BOC-Accounts Management Office (AMO) sa ilalim ng Intelligence Group (IG) ni Deputy Commissioner (Depcom) Juvymax Uy.
Ang BOC-AMO ay pinamumunuan ni Christian Flores at Asst. Chief Bartley Earl M. Floresca.
Ayon sa report, “AMO has received high praises” from various groups, including the Federation of Indian Chambers of Commerce in the Philippines (FICCP).
The groups cited BOC-AMO for what they called “significantly improving operational efficiency and client service.
The FICCP, together with the Practicing Customs Brokers Association of the Philippines (PCBAP) and the Chamber of Customs Brokers, Inc. (CCBI), said AMO has been implementing “remarkable reforms.”
PCBAP and CCBI particularly cited AMO’s :client- centric approach and responsiveness…for efficiently handling renewal applications.”
Reports said BOC-AMO “has not only enhanced productivity, but also fostered a more conducive business environment” in the waterfront.
Ang administrasyon ni Rubio ay determinadong ipatupad ang “transparency, accountability at efficiency” sa aduana.
Tuloy-tuloy rin ang modernization of processess” sa lahat ng collection districts para lalong gumanda ang serbisyong ibinibigay ng mga taga-BOC.
Saludo tayo sa men and women in customs uniform.
****
Ngayon pa lang ay naghahanda na ang gobyerno at taumbayan para salubungin ang pagdating ng Philippine delegation mula Paris, France.
Dala ang dalawang Olympic gold medals na pinanalunan ni gymnast Carlos Yulo, isang “royal welcome ang naghihintay sa delegasyon.
Ito ang pinakamatagumpay na partisipasyon ng Pilipinas sa Olympiada.
Noong nakaraang Tokyo Olympics ay nasungkit ng bansa ang kanyang kaunaunahang gintong medalya sa Olympics.
Ang unang gold medalist sa Olympics ay si weightlifter Hidilyn Diaz.
Good job, Carlos Yulo!
****
Dapat mag-overtime ang mga lingkod-bayan na mandated na maglinis sa mga daluyan ng tubig, hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.
Baka maulit ang malawakang pagbaha sa bansa noong hagupitin tayo ni Bagyong Carina.
Maraming ulo ang gugulong kapag naulit ang nangyari nang lumubog ang National Capital Region at iba pang parte ng bansa dahil sa tindi ng pag-ulan.
Dapat madaliin ang pag-alis ng mga basura na bumabara sa mga pumping stations. Maraming pumping stations ang hindi gumana dahil sa tone-toneladang basura, kasama na ang plastik, na itinapon sa mga daluyan ng tubig.
Kawawa ang aabutin ng mga lingkod-bayan na dapat naglilinis sa mga daluyan ng tubig, lalo na sa mga mabababang lugar.
Ang problema kasi. marami pa tayong kababayan na walang ginawa kundi magtapon ng basura sa ilog, drainage canal at estero.
Siguro dapat higpitan ng mga opisyal at tauhan ng mga barangay ang pagpapatupad ng environmental laws.
Hindi ba, DILG Secretary Benhur Abalos, Jr?
(Para sa inyong mga komento at suhestiyon. Mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)