Drugs Ang mga nakuhang ilegal na high-grade cocaine na nagkakahalagang mahigit sa P18 milyon na itinago sa bagahe ng babaeng pasahero at nakumpiska sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Mga larawan mula sa Customs-NAIA

High-grade cocaine binitbit sa bagahe

August 25, 2023 Jun I. Legaspi 261 views

Drugs1ISANG pasahero ng eroplano ang dinakip ng mga awtoridad matapos mahulihan ng 3,454 kilos ng high-grade cocaine na nagkakahalagang mahigit na P18 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Ayon sa mga awtoridad ng NAIA-Customs ang ilegal na droga ay inilagay sa loob ng luggage ng suspek. Ang suspek na isang babae ay dumating ng bansa nitong Agosto 24 mula sa Addis Ababa sakay ng Ethiopian Airlines sa flight ET 664.

Ayon sa pinagsanib na personnel ng NAIA-Customs, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, idinaan nila sa masusing inspection ang luggage ng suspek matapos makitaan ng kahinahinalang karga.

Sa X-ray scanning at K-9 inspection at physical examination, nadiskubreng nakatago ang 3,454 kilos ng high-grade cocaine na nagkakahalagang P18,306,200.

Ang suspek ay nasa custody ngayon ng PDEA para sa masusing inbestigasyon kasama ang mga nakuhang ilegal na droga dito.

AUTHOR PROFILE