Default Thumbnail

Hidilyn patuloy na dinadagsa ng biyaya

July 29, 2021 Aster Amoyo 418 views

TWO days matapos mapanalunan ng Filipino athlete na si Hidilyn Diaz ang kanyang kauna-unahang gold medal and also the first-ever for the Philippines sa 2020 Summer Olympics held last July 26, 2026 in Tokyo, Japan, nakabalik na sa bansa ang female weightlifter champ last Wednesday, July 28 at 5:51 p.m. galing ng Tokyo, Japan lulan ng Philippine Air Lines PR427. She and her HD Team ay tumuloy ng Sofitel Philippine Plazal Hotel kung saan sila naka-quarantine sa loob ng pitong araw.

Hidilyn and her team were met at the NAIA 2 by the Dept. of Interior and Local Government Secretary na si Eduardo Ano, PAF Commanding General na si Allen Paredes at dalawa sa commissioners ng Philippine Sports Commission na sina Charles Maxey at Celia Kiram. Sa airport pa lamang ay nagpalit na si Hidilyn sa kanyang PAF uniform na siya rin niyang suot nang siya’y kumarap kay Pangulong Duterte for her virtual courtesy call kung saan din sila nagpalitan ng saludo. Nangako rin si Pangulong Duterte na magbibigay din siya sa Olympics gold medalist ng P3-M from his pocket at nakiusap na `let bygones by bygones” maybe referring to a controversial issue in 2019 kung saan nadamay ang pangalan ni Hidilyn sa gusto umanong magpatalsik sa Presidente.

Although marami nang iba’t ibang cash and other incentives ang natanggap na ni Hidilyn in her past wins sa iba’t ibant competitions including a silver medal sa 2016 Summer Olympics sa Rio de Janeiro, kakaiba itong gold win niya sa 2020 Summer Olympics dahil patuloy na lumalaki at dumarami pang sector ang nagbibigay sa kanya ng cash reward bukod pa sa house & lot, expensive condominium unit, lifetime travels on Philippine Air Lines and Air Asia at iba’t ibang parangal na ang pinakamataas ay yung magmumula kay Pangulong Duterte.

Although magbibigay ng P3-M ang Deputy Speaker of the House and businessman na si Michael Romero, nag-pass the hat pa ito sa Kongreso na maaaring makalikom ng additional P4M to P10M mula sa mga mambabatas.

Dahil sa pagiging instant multi-millionaire ngayon ni Hidilyn, tiyak na tuluy-tuloy na ang pagbabago ng buhay ng Olympic gold medalist at ng kanyang pamilya.

The Olympic gold medalist was also promoted sa kanyang rank na airwoman sergeant to staff seargeant simula nung July 27 by the Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff na si Gen. Cirilito Sobejana.

Si Hidilyn ay naging bahagi ang Philippine Armed Forces (PAF) in 2013.

Dahil sa sacrifices, determinasyon, discipline and dedication na ipinakita ni Hidilyn, siya’y nagsisilbing inspirasyon at pag-asa sa mga taong may mga pangarap regardless of their status sa buhay. Ang pagiging mahirap ng pamilya ni Hidilyn ay siyang nag-udyok sa kanya na magsumikap para maiahon niya sa kahirapan ang kanyang pamilya. Ang kanyang mga nanapalunan at naiuwing mga medalya at mga parangal ay hindi lamang para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya kundi lalung-lalo na para sa bansang Pilipinas.

Samantala, bukod sa HD Team, sa kanyang pamilya at sa buong sambayanang Filipino, ang isang tao na sobra ring proud sa achievements ni Hidilyn ay ang kanyang nobyo, ang dating weightliffer-turned weightlifter coach na si Julius Naranjo.

Cindy ipinagmamalaki si ‘Nerisa’

OLD soul at introvert kung i-describe ng dating beauty queen-turned actress at star ng sexy-drama movie na “Nerisa” na si Cindy Miranda ang kanyang sarili.

Sa kanyang solo virtual presscon para sa kanyang solo launching movie na “Nerisa” mula sa panulat ng award-winning writer na si Ricky Lee at direksiyon ni Lawrence Fajardo under Viva Films na magkakatoon ng global premiere simula sa araw na ito ng Biyernes, July 30 sa Vivamax, KTX.ph, iWant TFC at TFC IPTV, inamin ni Cindy na maraming firsts ang pelikula na sobra niyang ipinagmamalaki.

First time ni Cindy na makatrabaho ang buong cast, ang writer at director ng pelikula. First time din umano niyang nakaranas ng bashing calling her names dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa paghihiwalay ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla kahit wala siyang kinalaman dahil hiwalay na ang couple bago pa man sila nagkakilala at nagkatrabaho ni Aljur sa “Nerisa” being her leading man in the movie. First time din umano siyang nakagawa ng underwater scenes na ginawa sa mala-paraisong Alabat Island in Quezon province. Siya’y sumailalim ng training sa actor, fight instructor at scuba course director na si Jess Lapid, Jr. along with Aljur. Nakaranas din umano siya ng iba’t ibang pasa sa kanyang katawan doing the movie pero balewala umano ang hirap na kanyarang naranasan in doing the film nang makitan niya ang kabuuan ng pelikula.

“Sana panoorin muna nila ang pelikula bago nila ako i-judge,” pakiusap ni Cindy na very proud sa kanyang launching movie.

“Marami ang pasabog sa movie,” dugtong pa niya.

Samantala, puring-puri ni Cindy ang lahat ng kanyang mga co-workers in the movie dahil bukod sa pawang magagaling ay lahat professional kaya hindi sila nagkaroon ng problema in doing the film.

“Napakabait, napaka-professional, madaldal, makuwento at napakasayang kasama ni Aljur kahit alam mong may pinagdadaanan siya,” ani Cindy. “Hindi niya ito dinala sa set,” aniya.

“Sana maayos nilang mag-asawa (ni Kylie Padilla) ang kanilang problema,” asam pa ng dating beauty queen at ex-PBB housemate.

Dahil pawang mga sexy movies ang ginagawa ni Cindy, hindi ba naman siya natatakot na ma-tag as sex symbol?

“I would consider it as a compliment but I’d rather be known as an actress,” ani Cindy.

If there is one thing na dala-dala ni Cindy hanggang ngayon sa kanyang pag-aartista mula sa kanyang pagiging beauty queen ay ang discipline at pagiging professional sa trabaho.

“100% kong dala-dala `yon hanggang ngayon,” aniya.

Gusto namang sundan ni Cindy ang pagiging empowered woman ni Nerisa.

“I did my very best in this movie (“Nerisa”), Kakaiba ito. Hindi po masasayang ang oras nyo in watching the film,” paniniguro pa niya.

“We’re sharing a good story. This is more than a sexy movie,” dugtong pa niya.

Ang isa pang ikinatutuwa ni Cindy ay ang suporta na kanyang nakukuha sa kanyang pamilya – sa kanyang ina at mga kapatid maging sa kanyang mga kaibigan. Her mom even watched her movie “Adan” with Rhen Escano in 2019 at wala umano siyang narinig na negative reaction sa kanyang ina.

Samantala, inamin ni Cindy na wala na umano sila ng kanyang dating boyfriend naka-relasyon niya sa loob ng pitong taon.

“After the break-up, doon ko lubos na nakilala ang sarili ko. Dapat pala, magtitira ka para sa iyong sarili. Don’t give your all,” aniya.

If ever na muli siyang magkakaroon ng panibagong boyfriend, sana ito na umano ang kanyang makatuluyan dahil pangarap din umano niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya balang araw.

Ultimate dream ni Cindy ang kanyang pagiging actress at gusto niyang magtagal sa field na ito.

“Sana po bigyan nyo ako ng pagkakataon na maipakilala ko ang sarili ko sa inyo bilang isang aktres. Hindi po ako masamang tao at ayokong may masasagasaang ibang tao,” diin pa niya.

Aminado si Cindy na sobra umano siyang na-inlab sa kanyang character sa “Nerisa” dahil sa pagiging matapang nito na kabaligtaran ng Cindy na tunay na buhay.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo

AUTHOR PROFILE