Hidilyn at Mikee, Pinay power sa Olympics … showbiz celebs, nag-congratulate sa gold medalist
PINAY power ang nasaksihan ng buong mundo sa 2020 Olympics na idinaos sa Tokyo, Japan nang ang dating equestrienne-actress na si Mikee Cojuangco ang maatasang mag-abot ng gintong medalya sa weightlifter na si Hidilyn Diaz Martes ng gabi.
Maraming netizens ang nagtaka sa presence ni Mikee that night dahil marami ang hindi nakakaalam na executive board member ng International Olympic Committee ang misis ng dating cager na si Dudut Jaworski.
Kaya naman super proud Pinoy moment talaga ang naganap sa pagkakataong iyon ng pagsasama sa limelight nina Mikee at Hidilyn.
Anyway, sumabog nga ang socmed sa mga parangal at pagsaludo sa malaking tagumpay na iyon ng tubong-Zamboanga na si Hidilyn dahil iyon ang kauna-unahang gold medal na naiuwi ng isang Pilipinong atleta sa Olympics sa loob ng halos 100 taon.
Dinaig ni Hidilyn sa women’s 55 kg weightlifting category ang walo pang competitor, kasama ang world-record holder na si Liao Qiuyun ng Tsina.
Kasama na sa mahabang listahan ng well wishers ng dalaga ang malalaking pangalan sa show business, gaya nina Charo Santos-Concio, Rep. Vilma Santos-Recto, Angel Locsin, Anne Curtis, Jodi Sta. Maria, Lea Salonga, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Janine Gutierrez, Enchong Dee, Bela Padilla, atbp.
Nag-post ng isang throwback photo si Angel sa kanyang Instagram account na nilagyan niya ng nakaka-fan na caption na, “Sana makapagpa-picture uli ako sayo. Saludo, @hidilyndiaz.”
Si Anne naman, pinasalamatan ang Pinay Olympic gold medalist for “sparking a fire” sa mga kabataan at kababaihan.
“What a proud moment for the Philippines! Thank you Hidilyn Diaz. First place medal I’m sure you’ve sparked a fire in little girls, in fact, in all children across the country that with hard work (and) dedication they can fulfill their biggest dreams!” ani Anne.
Si Lea ay nag-tweet ng, “The most emotional part was hearing our National Anthem being played. Nic and I stood, hands on hearts, and cried. Mabuhay ka, Hidilyn Diaz!”
Tinawag namang “hero” ni Janine si Hidilyn na nababagay naman dahil kung susundan ang kanyang IG account, naroon ang lahat ng hirap na hinarap niya sa training nitong panahon ng pandemya, pati na ang paghingi ng financial support sa isang IG Story, para lamang makamit at maiuwi ang mailap na gintong medalya sa bansa.
Dahil sa napagtagumpayan na pinakamalaking laban sa kanyang karera sa sports, may naghihintay na P33 million cash prize para kay Hidilyn, isang brand-new house and lot sa Tagaytay at kung anu-ano pa.
Bago ang Olympic gold medal, nakapag-uwi na rin ang Pinoy pride ng silver medal nu’ng 2016 mula sa quadrennial meet na ginanap sa Rio de Janeiro, Brazil at gold medal naman mula sa Southeast Asian Games (SEAGames) noong 2019.