Unilab

Hidilyn at Alaxan FR, magkaagapay sa laban

June 23, 2021 People's Tonight 241 views

Nagbahagi ang beteranang weightlifter tungkol sa paghahanda para sa Summer Olympics, ang misyon para sa bayan at ang katuwang sa maraming laban sa buhay.

Maraming mukha ang mandirigma ng makabagong panahon, lalo na ngayong may pandemya. Nariyan ang delivery rider, transport driver at pharmacist. Milyun-milyon silang lumalaban sa hamon ng buhay.

Bilang pagpupugay, inilunsad ng Alaxan FR, kilalang brand ng gamot para malabanan ang sakit ng katawan, mula noong Labor Day ang “Mandirigmonth” campaign bilang pagkilala sa mga kalalakihan at kababaihan na simbolo ng sipag at tiyaga sa kabila ng araw-araw na hirap, pagod at sakit ng katawan.

Tugmang-tugma ito sa tagline ng brand na “Tapos ang sakit ng katawan. Tapos ang laban.”

Meron ding mga ipinamahaging “Laban Lang Gears” na naglalaman ng essentials para sa modern day warriors.

Speaking of modern day warriors, ang Olympic medalist at Alaxan FR brand ambassador na si Hidilyn ay nakatakdang lumaban sa Summer Olympics sa Tokyo, Japan.

Excited at mataas ang fighting spirit niya habang nagkukuwento tungkol sa paghahanda para sa kumpetisyon.

Una nang naiulat na nasungkit ni Hidilyn ang ika-apat na pwesto sa Asian Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan.

Ito ang nagpaigting ng kanyang kwalipikasyon sa Olympic event.

“Akala ko noong una, imposibleng magkaroon ng laro, imposibleng makaalis sa Malaysia, imposible na makakaapak ako sa international platform, at imposible na ma-meet ko ang 6th Olympic qualifying competition na required para makapag-qualify ako sa Summer Olympics… but with God, all things are possible.”

Sa likod ng tagumpay na ito, maraming pagsubok na pinagdaanan si Hidilyn at ang kanyang team of coaches.

Na-stranded sila sa Malaysia matapos ideklara ng gobyerno doon ang national lockdown. Nakatakda sanang lumipad patungong Colombia si Hidilyn para lumaban sa Ibero-America Open Championships, isa sa mga Olympic-qualifying competition.

Pero nagsara ang borders, na-postpone at nakansela ang mga competition at pinauwi sa kani-kanilang bansa ang mga atleta.

Dahil hindi makabalik ng ’Pinas, naging challenge para kay Hidilyn ang training. Dito naging creative ang dalaga at ang kanyang mga coach.

Ginamit nila ang maluluwag at bakanteng parking lots, mga galon ng tubig at maging ang mabibigat na metal gates sa tinutuluyang condo.

Ito ang naging gym, weights, at monkey bars niya.

Sa Hulyo nakatakdang ganapin ang Summer Olympics. Malaki ang pasasalamat ni Hidilyn sa kanyang mga coach na nagtutulung-tulong para siguruhin na maayos ang kanyang training at nasa kondisyon ang kanyang katawan.

Sa loob ng isang linggo, may anim hanggang 11 sessions sila kung saan dumaraan ang katawan niya sa matinding pagsasanay.

“Madalas lahat ng parte ng katawan masakit. Kahit nga utak minsan kasi mental game rin ang weightlifting. Kapag na-out of focus ka, maaapektuhan ang performance mo.”

Sa mga pagkakataong ganito, may kaagapay si Hidilyn.

“Sa isang Alaxan FR, tapos ang laban. Handa ulit akong lumaban sa training the next day. Sa sakit ng katawan, sa lahat ng laban natin sa buhay, ang mandirigma tulad ko, laban lang.”

Ang Alaxan FR ay produkto ng pharmaceutical at health care company na Unilab.

Panoorin ang video ni Hidilyn sa Alaxan Facebook page.

AUTHOR PROFILE