Hershie

Hershie, bet tikman si James

December 19, 2022 Vinia Vivar 182 views

Sa virtual mediacon ng Vivamax Original Movie na Bugso ay natanong ang mga bida na sina Ayanna Misola, Hershie de Leon at Sid Lucero kung sino ang gusto nilang maka-threesome if given the chance.

Natawa si Sid sa tanong at nag-isip sandali.

Bongga ang kanyang sagot dahil ang mga Holywood actress lang naman na sina Sophia Loren and Elizabeth Taylor (RIP) ang kanyang napili.

“In their prime, “ natatawa pang sambit ng award-winning actor.

Si Ayanna naman, depende raw kung lalaki o babae.

“Kung dalawang boys, si Joseph Marco saka si Rafael Rossel,” aniya.

Kung dalawa silang girls at isang boy naman daw, si Joseph pa rin ang gusto niya at ang co-star niya sa Bugso na si Hershie dahil kumportable na raw siya rito.

Si Hershie naman ay si James Reid daw ang bet niya.

“Siguro kung kunyari, dalawang lalaki, crush ko siya bata pa lang ako, si James Reid. Saka siguro, ‘yung gusto ko na. ‘Yung love ko ‘yung isa tapos ‘yung isa, pantasya ko,” sabi ni Hershie.

“Sa babae naman, gusto ko rin sa babae, gusto kong ma-try din ‘yun eh,” patuloy niya.

Ang isang girl na gusto niya ay si Ayanna rin dahil kumportable na rin daw siya rito.

“Si Ayanna kasi, iba ‘yung love scene namin. Naghalikan talaga kami. Kumportable na rin ako sa kanya,” sey niya.

Samantala, asahan na ang maraming emosyonal na tagpo at nag-aalab na sex scenes sa Bugso.

Ginagampanan ni Ayanna ang role na isang high-class prostitute habang si Sid L ay gumaganap bilang lover at driver niya.

Si Hershie ay gumaganap bilang si Baby, isa ring prosti na inilayo nina Estella at Dado sa bayolenteng customer.

Ang Bugso, na mula sa direksyon ni Adolfo Borinaga Alix, Jr., ay mapapanood sa Vivamax simula December 30.

AUTHOR PROFILE