Herrera

Herrera: Isang batas na ang anti-child marriage bill

January 6, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 293 views

ISANG ganap na batas na ang landmark bill na naglalayong ipagbawal ang child marriage sa bansa na kikilalanin bilang Republic Act (RA) No. 11596, ayon sa pangunahing may akda na si Deputy Speaker Bernadette Herrera.

“I was able to confirm in Malacañang that the End Child Marriage Bill, which we fought for and championed in Congress for many years, has now been signed into law,” ani Herrera, kinatawan ng Bagong Henerasyon (BH).

Idinagdag ni Herrera na “this is a major victory in our campaign to end child marriage in the Philippines. This law will help protect children, especially young girls, and hopefully change the trajectory of their lives.”

Noong Nobyembre 2021, naipadala sa Malakanyang ang enrolled copy ng Act Prohibiting the Practice of Child Marriage noong Nobyembre 2021 base sa isinagawang ratipikasyon ng Kamara de Representantes at Senado.

Bahagi rin si Herrera ng bicameral conference committee na nagtrabaho para pag-isahin ang magkaibang bersiyon ng Kamara de Representantes at Senado laban sa child marriage.

Nagpasalamat naman si Herrera kay Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte matapos lagdaan ang panukala bilang isang ganap na batas.

“Thank you PRRD for giving a chance to this law,” anang kongresista.

Sinabi ni Herrera na dumating na ang panahon sa bansa para tapusin ang “longstanding disturbing practice” ng child marriage.

Aniya, isang porma ng karahasan sa mga bata ang child marriage.

“This new law is a big step towards ensuring that the children’s rights will be upheld and their well-being and future secured,” ani Herrera.

Sa ilalim ng batas, ipagbabawal ang child marriage at mayroong karampatang parusa.

Paparusahan ng batas ang pagsasagawa ng seremonya ng child marriage at partisipasyon ng mga matatanda para maikasal sa isang bata .

Pagmumultahin ng P40,000 at mahaharap sa pinakamahabang pagkakakulong na 12 taon ang sinomang solemnizing officers, magulang, guardians, o matanda na responsable sa pagsasakatuparan ng child marriage.

AUTHOR PROFILE