Parangal Pinarangalan ni NCRPO director, Major General Vicente D. Danao Jr. at San Juan City Mayor Francis Zamora ng medal si security guard Roderick Ricafrente dahil sa kanyang katapangan upang maudlot ang isang nakawan sa San Juan.

Hero sikyu sa San Juan pinarangalan

September 8, 2021 Francis Naguit 428 views

PINANGUNAHAN ni Pambansang Pulisya ng Rehiyon o National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, PMGen. Vicente D. Danao Jr. ang ang pagbibigay ng parangal sa isang ‘hero’
security guard na buong tapang at mag-isang hinadlangan ang insidente ng nakawan sa San Juan City noong nakaraang linggo.

Kasama sina San Juan City Mayor Francis Zamora, Eastern Police District director, Brigadier Gen. Matthew Baccay at San Juan City police chief, Colonel Elpidio Ramirez, iginawad ng NCRPO director ang Medalya ng Katangitanging Gawa or PNP Outstanding Achievement Medal kay secuirty guard Roderick Ricafrente.

Nakatanggap din si Ricafrente mula kay PMGen. Danao ng Plaque of Recognition at iba pang mga gamit tulad ng mga pamilihan na nagkakahalaga ng P5,000, foot wear, health kit, vest, at dalawang sako ng bigas.

Isang sertipiko din ang ibinigay kay Ricafrente ni PCol. Ramirez.

Nakatanggap din ang hero sikyu ng P10,000 na cash mula kay Zamora.

Bilang insentibo para sa kanilang magandang trabaho, ang mabuting alkalde ay nagbigay din ng P3,000 at isang sako ng bigas sa bawa’t miyembro ng San Juan City Police dahil sa kanilang outstanding accomplishments sa anti-criminality campaign.

Ang medalya na iginawad ay bilang papuri sa katapangan ni Ricafrente upang maudlot ang isang nakawan sa isang sikat na convenience store sa Greenhills, San Juan City.

Agad naaresto ng San Juan City Police ang apat na suspek at nakumpiska ang tatlong baril sa isang hot pursuit operation.

Ayon sa NCRPO chief, Ang Medalya ng Katangitanging Gawa ay iginagawad sa mga kasapi ng PNP, tauhang sibilyan ng Pilipinas at mga national ng friendly na mga banyagang bansa para sa kanilang “distinguished or extraordinary achievement or service in the advancement of science, socio-economic, technical and/or police relates to public service of the highest order.”

Ang pagpugay ay nasaksihan din ng mga Opisyal ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng San Juan na sina PCol. Wilson C Asueta, Punong RPRMD, PCOL Juluis C Suriben, Punong, RCADD at iba pang mga opisyal ng pulisya

“He deserves to be given such recognition for other security guards to emulate. Likewise, we would like to commend and congratulate the follow-up operation conducted by the San Juan City police led by Col. Ramirez which led in the arrest of the suspects. Dahil sa follow up ninyo, we were able to preempt further bloodshed and another illegal activity that may happen. I also advise our policemen to be always alert and vigilant,” ani PMGen. Danao.

Pinayuhan din ni PMGen. Danao ang mga pulis na laging maging alerto sa mapagbantay sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar upang maiwasan ang mga pangyayaring di kanais-nais. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE