Food Cart

Hero Food Cart umarangkada na

January 22, 2022 People's Tonight 194 views

PARA sa maraming mahihirap na pamilya, ang magkaroon ng maliit na tindahan kung saan nagbebenta sila ng pagkain o iba pang mga paninda ay malaking bagay ng pangkabuhayan ng pamilya.

Ang isang ambulant vendor (panindang nakalagay sa kariton) ay sapat nang kumita sa isang araw at hindi na mag-aalala para sa kanilang susunod na kakainin.

Gayunman, ang magkaroon ng isang cart kung saan dito nilalagay ang kanilang mga paninda ay isang puhunang kailangan ang pinansiyal na aspeto na iilan lang ang may kakayahan.

Pero umaasa si Quezon City 4th District Councilor Hero Bautista na matulungan ang mga pamilya sa pamamagitan ng kanyang “Hero Business Cart” project. Sa ilalim ng programa, ang mga mahihirap na pamilyang nakatira sa mga barangay na sakop ng distrito ay maaaring mag-apply para sa oportunidad na mapagkalooban ng ‘food cart on wheels’ na maaaring gamitin na magbenta ng iba’t ibang uri ng produkto o mga pagkain.

Ang mga business carts ay ginawa sa pamamagitan ng metal na nakakabit sa bisikleta, na naging mainam gamitin at matibay para sa paglalako sa mga istratehikong lokasyon ng distrito.

Nilalagyan din nila ito ng isang kawali at kalan para ang may-ari nito ay makapagbebenta ng mainit na pagkain sa lugar.

Kamakailan lang nakapagbigay si Konsehal Bautista ng kabuang 144 Hero Business Carts noong Enero 20 at 21, para sa kabuuan ng kariton na donasyon para sa mararapat na indibidwal sa halos 350 units. Tinukoy ni Konsi Bautista na itong mga kariton ngayon ay buong pag-aari na ng mga resepyente at wala silang babayaran ng anuman sa lokal na pamahalaan ng lungsod.

“All I want in return is that they use the cart well and take care of it. I want the carts to help them find a livelihood. It’s no joke to have lost a job during the pandemic with nothing to fall back on. Hopefully, through this project, we’d be able to give them the means to provide for themselves and their families,” wika ni Councilor Baustista. Robbie Pangilinan

AUTHOR PROFILE