Herlene Nicole Budol

Herlene, bumawi: Nagpapatalino para sa susunod na pageant

August 7, 2023 Vinia Vivar 254 views

Iba na naman ang statement ngayon ni Herlene Budol. Matapos sabihin sa vlog kamakailan na hindi na siya sasali sa beauty pageants, nagbago na ang kanyang isip.

Sa programang “Dapat Alam Mo” ng GTV kung saan ay sumalang si Hipon Girl sa lie detector test ay natanong siya ng hosts na sina Kim Atienza and Susan Enriquez kung sasali pa ba siya ulit sa beauty pageants.

“Oo ‘ata. Pwede bang maybe?” sagot ni Herlene.

Follow up na tanong ni Kuya Kim, “So, ‘yung goodbye mo pala sa YouTube, hindi pala tunay na goodbye ‘yun?”

Paliwanag ni Herlene, “Hindi po, kasi po, sinabi ko po ‘yung ‘I’m signing off’ kasi wala pa pong Miss Philippines Tourism na ipagdadayo ko po. Kung baga, wala pa pong franchise na nakukuha du’n sa international para sa paglalabanan ko.”

Kapag may sasalihan na raw siyang international pageant ay lalaban pa siya.

“Lalaban pa rin naman po ako sa international pero after po nu’n, baka magpahinga po ako at papagalingin ko na lang po muna ‘yung sarili ko. Mag-focus po muna ako sa kung ano po ‘yung meron ako ngayon,” sey niya.

Asked kung paano siya naghahanda para sa next pageant, sagot niya, “Nagpapatalino po ako.”

Idinagdag niya na nagpe-pray din siya.

Matatandaang si Herlene ang hinirang na Miss Tourism Philippines 2023 sa Miss Grand Philippines 2023 at lalaban sana siya internationally bilang representative ng Pilipinas para sa nasabing title pero sa ngayon ay wala pa siyang sasalihang international pageant.

AUTHOR PROFILE