Default Thumbnail

‘Hercules’ namatay sa Maynila

December 16, 2023 Jonjon Reyes 617 views

PATAY na nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng kanyang pedicab sa Solana St. malapit sa Beaterio St., Intramuros, Maynila noong Biyernes.

Nakilala ang lalaki na si alyas Hercules, walang permanenteng address at isang pedicab driver.

Sa report na isinumite ni Det. John Paul Rojo kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima.

Ayon sa parking attendant na barangay tanod, nalamang patay na ang lalaki sa pedicab nang hindi na magising kahit gaano katinding tapik.

Agad ipinagbigay-alam sa mga security guard sa Intramuros ang insidente.

Ayon sa mga naka saksi, lang araw na nilang napapansin ang biktima na tahimik at tila depressed o maysakit.

Dahil may nararamdaman, minabuti niyang magpahinga sa kanyang sidecar kung saan siya natagpuang patay.

AUTHOR PROFILE