Herbert mentor at soulmate ni Ruffa

February 4, 2022 Aster Amoyo 357 views

ALTHOUGH wala pa ring pag-amin mula sa actor-politician na si Herbert Bautista (53) at sa actress at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez (47), marami ang naniniwala na magkasintahan na ang dalawa. Patunay dito ang pagi-spend ng dating mayor ng Quezon City with Ruffa’s family last Christmas. Parang kapamilya na rin ang turing kay Herbert ng Gutierrez family headed by Ruffa’s parents na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

At the Christmas celebration ng Gutierrez Family, namataan din doon si Monching Gutierrez (Ramon Christopher) at ang kanyang apat na anak sa ex-wife na si Lotlot de Leon. Naroon din ang dalawang teen-age daughters ng actress- beauty queen sa kanyang Turkish businessman ex-husband na si Yilmaz Bektas na sina Lorin at Venice. At kung titingnan ang Christmas video na ibinahagi ni Ruffa, mapapansin na tanggap si Herbert ng kanyang pamilya.

Si Herbert umano ang nag-encourage kay Ruffa na tapusin ang pag-aaral kaya nag-aaral ito online ngayon.

Ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Herbert at Ruffa ay nagsimula sa set ng romantic-comedy series for iWant TFC na “The House Arrest of Us” na tinampukan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kahit may mga anak, si Herbert ay single at hindi kasal sa kanyang mga naunang karelasyon habang si Ruffa ay annulled na ang kasal sa dating mister nito.

Although hindi pinangalanan ni Ruffa si Herbert sa kanyang recent guesting sa “Magandang Buhay,” she refers him as her soulmate and mentor.

Since simula na sa buwang ito ang kampanya ng mga tatakbo sa national post, tiyak na tutulong si Ruffa sa kampanya ni Herbert na kandidato sa pagka-senador.

Si Ruffa ay regular na napapanood ngayon sa “It’s Showtime” noontime program ng ABS-CBN bilang isa sa mga hurado ng “Sexy Babe” segment ng programa.

KristofferKristoffer1Kristoffer sa showbiz partner din nagpakasal

AFTER being separated from his non-showbiz partner, AC Banzon (Alyssa Celine Banson) and the mother of his five-year-old daughter na si Precious Christine in December 2020, the former Kapamilya and now Kapuso singer-actor Kristoffer Martin reconciled with his partner in July 2021 and recently married her in an intimate civil wedding ceremony sa tanggapan ni Capas, Tarlac Mayor Reynaldo Catacutan na sinaksihan ng kanilang anak.

Si Kristoffer ay dating na-link sa Kapuso actress na si Joyce Ching, now married to Kevin Alimon, maging sa model-actress na si Liezel Lopez pero sa ina ng kanyang anak siya bumalik at nagpakasal.

Anne at mga kaibigan, nagkita-kita sa Europe

HANGGANG ngayon ay patuloy pa ring umaasa ang fans at followers ng actress, host at celebrity endorser na si Anne Curtis sa kanyang pagbabalik sa long-running noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime”.

It was on December 2019 when Anne took a leave of absence (maternity leave) from the noontime program which she topbills along with comedy superstar Vice Ganda. She finally give birthday to her and husband’s Erwan Heussaff’s first born na si Dahlia Amelie in Australia nung March 2, 2020 and celebrated her first birthday in the Philippines. Sa darating na March 2 ay two years old na si Dahlia pero wala pa ring sign kung kelan babalik ang actress-host sa “It’s Showtime” kung saan nadagdag sina Kim Chiu at Ogie Alcasid.

Hinihintay na rin si Anne ng kanyang home studio, ang Viva para sa kanyang gagawing bagong movie. Huli siyang napanood sa comedy movie na “The Mall, The Merrier” na pinagtambalan nila ni Vice Ganda” in 2019 and co-produced ng Star Cinema at Viva Films. Pero, tuluy-tuloy naman ang kanyang mga product endorsements.

Anne guested in her best friend’s digital concert last July 17, 2021, ang “Gandemic: The VG-Tal Concert” produced by Viva Live na nagkaroon ng repeat nung August 14, 2021 and was streamed on ktx.Ph.

Samantala, Anne got reunited with her friends in her recent European trip with husband Erwan and daughter Dahlia, ang kanyang sister-in-law na si Solenn Heussaff with husband Nico Bolzico and their two-year-old daughter na si Thylane Katana with Isabelle Daza and family. They also met up with Heart Evangelista in Paris, France where she attended the recently concluded Paris Fashion Week.

Kung tutuusin, may karapatan din sina Anne, Solenn, Isabelle and their other close friends na sina Georgina Wilson and Liz Uy na rumampa sa Paris Fashion Week, but they all know na si Heart ang may clout sa nasabing okasyon.

HeartHeart1Heart2Heart magpo-focus sa business

MARAMI ang naniniwala na magpu-focus ang singer, actress, visual artist, fashion icon, entrepreneur at philanthropist na si Heart Evangelista-Escudero sa kanyang beauty and wellness business with her sister, Camille Ongpauco maging sa kanyang pagiging part ng family ng top fashion brand in Paris, ang Dior. Ito marahil ang rason kung bakit niya sinabi sa isang panayam na malamang na last TV series na niya ang “I Left My Heart in Sorsogon” sa GMA na isang toprater

Ang misis ni senatoriable, Sorsogon Governor Chiz Escudero ang kaisa-isang Filipina fashion personality na kilala at kaibigan ng mga kilalang personalidad ng top fashion brands in Paris, France.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE