Helper timbog sa kasong robbery, nasa top 4 MWP

October 21, 2021 Francis Naguit 68 views

HINDI na nakapalag pa ang isang 31-anyos na helper ng Shalane LPG nang arestuhin ng mga operatiba ng Manila Police District Miyerkules ng hapon sa Sta.Mesa, Manila.

Kinilala ni P/ Lt.Col. Ramon Nazario, MPD- Station 14 commander, ang suspek na si Manolito Ubago, binata, ng 248 – C Teresa St., Sta.Mesa.

Ayon sa ulat ni P/ EMS Vicente Maborang, officer-in-charge ng Warrant Section ng PS 14 , bandang 4:15 p.m. nang arestuhin si Ubago sa loob ng kanyang tahanan.

Dala ng mga otoridad ang arrest warrant na inisyu ni Manila Regional Trial Court Branch 39 Judge Noli Diaz.

Ang akusado ay kabilang sa top 4 most wanted persons ng MPD dahil sa kasong robbery.

Ang suspek ay sinasabi umanong notoryus na holdaper sa Sampaloc Maynila. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE