Default Thumbnail

Helper tiklo sa ‘Oplan Sita’ dahil sa shabu

August 3, 2022 Jonjon Reyes 274 views

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Raxabago Station 1 ang isang 42-anyos na helper na suma-sideline diumano bilang “tulak” ng ilegal na droga sa isinagawang ‘Oplan Sita’ o check point operation sa Tondo, Maynila.

Kalaboso at kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD Station 1 ang suspek na itinago sa alyas “Manny”, nakatira sa Jose Abad Santos Ave., Tondo.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Gene “Haring” Licud, MPD station 1 commander, habang nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan ay namataan nila ang suspek na lulan ng isang motorsiklo sa panulukan ng Juan Luna at Maliklik Sts. sa Tondo.

Nang hingin ng mga kapulisan ang kanyang lisensiya ay walang naipakita ang suspek at nang kapkapan ay nakuha sa suspek ang 11 na sachet ng shabu na tumitimbang ng 2.5 gramo at nagkakahalaga ng P17,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong driving without license at paglabag sa RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

AUTHOR PROFILE