Default Thumbnail

Helper nakuryente patay

July 31, 2023 Jojo C. Magsombol 138 views

DEDO ang isang helper matapos makuryenta sa isang farm sa Barangay Escribano, San Juan, Batangas, noong Sabado.

Kinilala ng San Juan police ang nasawi na si Mark Ruel Lelio y Lacsa, 19, helper sa Double H Farm, na tubong Sitio Macadog-cadog, Bgy. Butanyog, Mulanay, Quezon.

Nalaman ng pulis ang sinapit ng helper nang magpunta sa kanilang presinto sina Jerry Libunao at Mel-Jun Orpinada y Orbida, kasama ng biktima sa trabaho, para i-report ang nangyari kay Mark.

Ayon kay Orbida, dakong alas-2 ng hapon, nakita niya ang biktima na may hawak na electric water car wash sprayer na tila nanginginig.

Tinapik umano nito ang biktima at nakaramdam ng pagbugso ng kuryente.

Sa sandaling iyon, agad niyang pinatay ang kuryente at mabilis na humingi ng tulong sa kanyang mga kasama para dalhin ang biktima sa Divine Care hospital.

Pero idineklarang dead-on-arrival ang biktima ng kanyang attending physician na si Dr. Romeo Tadiqui Jr.

AUTHOR PROFILE