MPD

Helper nabagsakan ng debris, dedo

April 17, 2023 Jonjon Reyes 220 views

BASAG ang bungo ng isang 34-anyos na helper matapos umanong mabagsakan ng mga debris sa ginagawang gusali sa MH Del Pilar Street, Barangay 701, Malate, Manila, Linggo ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Joseph Zamil, crew ng William Hauling Services, tubong Bato-Bato, Libacao,Aklan at stay in sa Waling Waling Street, Pingkian Village , Barangay Pasong Tamo, Quezon City

Ayon kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 10:10 a.m nang maganap ang insidente.

Base sa ulat ni PLt.Col. Salvador Tangol, hepe ng MPD Malate Police Station 9, itinawag sa kanila ang nangyaring insidente kayat agad na inatasan niya ang kanyang mga tauhan na i-ikordon ang lugar at ireport ito sa MPD Homicide section.

Agad nagtungo sina Det. John Paul Rojo, may hawak ng kaso, kasama ang mga operatiba ng MPD- Forensic Unit para magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon sa mga testigo na kasamahan ng biktima, pasado 8:30 a.m. habang naghahakot sila ng mga debris para ikarga sa back-hoe nang biglang bumagsak ang mga debris sa biktima na agad na namatay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kung may foul play sa naturang insidente.

Ang bangkay ng biktima ay pansamantalang nakalagak sa Light Funeral Morgue sa Rizal Avenue , Sta.Cruz , Manila para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE