Dizon

Helper kulong sa improvised na baril

April 20, 2023 Jonjon Reyes 315 views

DAHIL sa walang humpay na pag papatrolya ng mga tauhan ng Tactical Motorcycle Rider’s Unit (TMRU) ng Baseco Police Station 13 sa pinaiiral na programang “Oplan Galugad” at ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), isang helper ang nasita dahil sa pag-ihi nito sa pampublikong lugar at improvised na baril.

Ang suspek na 27-anyos at tubong Siargao ay bigla na lamang tumakbo nang makita at sitahing sa Barangay 649, Baseco Compound Port Area, Maynila iniulat ng pulisya.

Ayon kay P/Lt. Col. Rodel Borbe, station commander ng Baseco Police Station (PS) 13, bandang 12:05 ng madaling araw nang lumabag umano ang lalaki dahil sa paglabag sa “Urinating in Public Place” ordinance ng lungsod.

Nang sitahin ito ng team leader ng TMRU na si Chief Master Sargeant Anthony Jose, P/Cpls. Michael Javier, at Corporal Hayatt Corsino ang suspek, bigla itong itinulak si Javier matapos ito hanapan ng ID at tumakbo palayo.

Nakorner ang suspek patungong Baseco Beach at nang makapkapan ay nahulihan ito ng nasabing kontrabando at isang bala ng 9mm.

Nahaharap sa paglabag sa City Ordinance RO 1054 (Urinating in Public Place), RPC Art 151 (Resistance and disobedience to a Person in Authority) at Republic Act 10591(Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek.

Nagpasalamat naman si MPD Director P/BGen. Andre P. Dizon sa kapulisan ng Baseco PS-13 sa pinaiiral nitong pagpapatrolya sa nasasakupang lugar at kontra kriminalidad.

AUTHOR PROFILE