Kathden

‘Hello, Love, Again’ nakabilang sa US Box Office Top 10, nagtala ng $2.4 M kita sa takilya

November 18, 2024 Eugene E. Asis 100 views
Kathden1
Kathryn Bernardo, Direk Cathy Garcia-Sampana at Alden Richards

ISA na namang record ang ginawa ng “Hello, Love, Again” na pinangungunahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos nitong maitala sa ika-walong pwesto sa US top 10 films.

Ayon sa report, kumita ito ng $2.4 million sa US box-office. Ito ang pinakamalaking kita sa takilya ng isang pelikulang Pilipino sa America. Ang “Hello, Love, Again” rin ang may pinakamalakas na theater average o kita kada sinehan na $9,700.

Samantala, sa unang araw ng “Hello, Love, Again” sa domestic box-office ay kumita ito ng P85 million, ang pinakamalaking first-day grossing local film.

Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng pelikula na umabot sa P245 million ticket sales sa loob ng tatlong araw at nakuha ang pinakamalaking single-day box office para sa local film na nasa P90 million.

Ang pelikulang idinirek ni Cathy Garcia-Sampana ay napapanood sa 1,000 cinemas worldwide kasama ang US, Canada, Europe, Australia, New Zealand, Guam, at Saipan. Ipapalabas din ito sa Singapore, Malaysia, Middle East, Cambodia, at Hong Kong ngayong buwan.

Matagumpay ang unang kolaborasyon ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures.

Naglalahad ng patuloy na kwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) ang “Hello, Love, Again” na napapanood sa mahigit 1,000 na sinehan sa buong mundo.

AUTHOR PROFILE