Heart1

Heart sa estado nila ni Pia: Wala kaming problema

November 4, 2024 Vinia Vivar 100 views

Emosyonal pa rin si Heart Evangelista tuwing napag-uusapan ang paghihiwalay nila ng kanyang dating glam team noong nakaraang taon.

Sa “Updated with Nelson Canlas” podcast ay naitanong sa kanya ng host kung ano na ang status nila ngayon ng ex-glam team at habang sinasagot ito ng aktres ay medyo nagiging teary-eyed siya.

“Siguro, ganito na lang ‘yun. Kasi mababaliw ako kakaisip,” simula niya.

“Ang tatandaan ko na lang is ‘yung mga taong minahal ko nang mga time na ‘yun,” sey niya na nagsisimula nang maging emosyonal.

“Hindi ko iisipin kung ano talaga sila o ano sila ngayon, hindi ko binabasa kung anuman ‘yung nasasabi online, but I will try to cherish the times that I thought mahal nila ‘ko.

“And I think, that will keep me sane,” aniya.

Nagkomento naman si Nelson na kitang-kita sa mga mata ni Heart na hurting pa rin ang aktres.

Ani Heart, “It’s a slow process. It takes time for you. It’s not that I haven’t moved on.”

At hindi rin daw sa hindi pa siya nakapagpapatawad.

“It’s just, ganu’n lang kasi talaga ako magmahal,” aniya.

Dagdag pa niya, “Pero I have to learn to slowly unlove people. That’s painful for me.”

Natanong din sa kanya ang tungkol sa estado nila ngayon ni Pia Wurtzbach na sinasabi ngang ‘kaalitan’ niya. Ayon kay Heart, wala naman silang problema at okay naman sila.

“Nag-ano pa nga siya ng hashtag dati na ‘Heart made me do it’ so I was very touched. But I truly wish her the best,” she said.

Wish din niya for Pia na hindi nito maranasan ang mga hirap na naranasan niya noong nagsisimula pa lang siya sa fashion world.

“Sana maging okay siya at sana, hindi niya naranasan ‘yung mga naranasan ko sa nakaraan,” sey pa ni Heart.

AUTHOR PROFILE