Heart

Heart renews ties with fashion icon friends in Paris

January 31, 2022 Aster Amoyo 161 views

Heart1THIRTY six years old singer, actress, visual artist, celebrity endorser, philanthropist and local fashion icon Heart Evangelista is still in Paris, France attending the Spring/Summer collections of 2022 sa Paris Fashion Week and at the same time, renewing ties with her friends from the top fashion brands in Paris tulad ng Louis Vuitton, Hermes, Dior, Louboutin at iba pa.

Upon her arrival in Paris, she announced that she’s already part of Dior family. She also met up with Michael Costefr of Hermes at dinalaw siya sa kanyang tinutuluyang apartment ng kaibigan niyang French fashion designer na si Christian Louboutin na may pasalubong sa kanyang chocolates and coffee.

Sina Heart at Christian ay nagkakilala sa Pilipinas back in 2017 sa Philippine Tatler Ball kung saan nagsayaw pa ang dalawa. Huling nagkita ang dalawa nang magtungo ng Paris ang singer-actress at fashion icon in 2019 at inimbitahan pa siya sa bahay ng kilalang fashion designer. Since then ay lalupang nagpatuloy ang pagkakaibigan ng dalawa.

Ngayong February 14 ay kaarawan ni Heart, her 37th. Sa kanyang pagbabalik ng Pilipinas, tiyak na marami siyang kuwento tungkol sa kanyang recent visit and experiences sa Paris, France.

May suspetsa kami na sa fashion world na magpu-focus ang misis ng senatoriable na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero more than her acting career.

In her past interviews, inamin ng singer-actress na malamang last TV series na umano niya ang “I Left My Heart in Sorsogon” sa GMA na malapit nang magtapos sa ere pero hindi siya nagbigay ng rason kung bakit siya titigil na sa kanyang acting career o baka naman ito’y pansamantala lamang to focus on other things.

SofiaSofia reluctant star

RELUCTANT star na maituturing ang singer-composer at musician na si Sofia Gonzalez Romualdez na contract talent ng Viva Records at Viva Artists Agency (VAA). Si Sofia ang panganay (sa dalawang anak) ng mag-asawang Tacloban mayor Alfred Romualdez at dating politician, ang singer-actress-entrepreneur na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez.

Mas gusto ni Sofia na makilala as a music artist which is actually her passion since she was a kid.

Bilang recording artist ng Viva, she has recorded two songs na parehong original materials, ang “Pikit-Mata” at “Thinkin’ of U”. Hindi nga lamang nagtuluy-tuloy ang kanyang music career when she decided to stop for a while to focus on their family business at sa kanyang studies. But now, she’s making a music comeback at desidido siyang maging seryoso rito.

Is she also following the footsteps ng kanyang parents sa larangan ng public service?

“For now, wala siguro. I’m still young and I want to focus on my craft (music). But I’m not closing my doors. We don’t know what’s in store for me in the future,” aniya.

Bukod sa pagku-compose and singing, Sofia helps their family businesses at kasama na rito ang Patio Victoria, a restaurant and events place na matatagpuan in Intramuros, Manila and in Tacloban City.

Samantala, kung sa music at singing naka-focus si Sofia, ang mom naman niya na si Cristina Gonzalez na isa ring Tiktokerist at vlogger ay aktibong muli sa kanyang showbiz career. Last year, napanood siya sa long-running and top-rating action-drama series ni Coco Martin, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” maging sa pelikulang “Revirginized” ng megastar na si Sharon Cuneta, written and directed by Darryl Yap and about to star a new project under Viva Films kung saan siya naka-kontrata.

AngelineAngeline may nakahanda nang pangalan sa anak

IN a couple of months (April) ay nakatakdang isilang ng singer-actress na si Angeline Quinto ang kanyang magiging unang baby sa kanyang non-showbiz boyfriend na may anak sa dati nitong nakarelasyon.

Bago sumakabilang-buhay ang kanyang adoptive mother, her Mama Bob (Sylvia Quinto) ay nakilala ang kanyang nobyo.

Angeline and her boyfriend met through a common friend (boyfriend of her friend) before the pandemic at `yun ang naging simula ng kanilang pag-iibigan. The guy is a few years her junior.

May nakahanda nang pangalan si Angeline sa kanyang magiging baby kung ito’y girl, ang combined na pangalan ng kanyang adoptive mom at music idol na si Regine Velasquez. Gagawin niya itong Sylvia Regina or Regina Sylvia habang hindi pa sila sigurado sa pangalan kung ito’y magiging boy although marami na umano silang choices ng kanyang partner.

Kung nung umpisa ng kanyang pagbubuntis ay nerbiyos ang nararamdaman ni Angeline, ngayon ay sobra umano siyang excited sa paglabas ng kanyang first baby.

Samantala, kung hindi man nag-work out ang relasyon nila ng singer-performer na si Erik Santos, nanatili umano silang close friend hanggang ngayon.

DiegoDiego gustong mag-stay sa Amerika

INAASAHANG babalik ngayong buwan ng Pebrero ang Viva actor na si Diego Loyzaga para ipagpatuloy ang filming ng mga bago niyang proyekto sa bakuran ng Viva although may ilang projects na rin siyang tinapos bago siya lumipad pa-Amerika nung December 30, 2021 for a much-needed rest and vacation.

Matapos mapanood si Diego sa pelikulang “Dulo” with girlfriend Barbie Imperial last December, muli siyang mapapanood sa pelikulang “The Wife” with Louise de los Reyes and Cara Gonzales mula sa panulat at direksiyon ni Denise O’Hara under Viva Films na mapapanood sa Vivamax streaming app this February 11. Tapos na rin gawin ng singer-actor ang movie nila ni Nadine Lustre, ang “Greed” na dinirek ni Yam Laranas at naghihintay na lamang ng playdate.

Hindi man nagsasalita sa ngayon sina Diego at Barbie na may kinalaman sa estado ng kanilang relasyon na napapabalitang tapos na, pasasaan ba’t malalaman din ng publiko ang totoo.

Ayon sa binata nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, if there’s one place na gusto niyang mag-stay (bukod sa Pilipinas at Australia), ito ay ang Amerika.

Bagong luxury car ni Vice Ganda may pangalan

AYON sa comedy superstar na si Vice Ganda, ES umano ang tawag niya sa kanyang bagong biling luxury car dahil ito umano’y katas ng kanyang dating programang game show, ang “Everybody Sing”.

Bumili ng bagong car si Vice Ganda dahil nagloloko na umano ang kanyang dalawang lumang sasakyan.

Ang bagong luxury car ni Vice ay kanyang ibinahagi sa kanyang latest vlog.

Samantala, marami ang pumupuri sa relasyon ni Vice at boyfriend nitong si Ion Perez dahil nakikita ng marami kung gaano sila kasaya. Ang dalawa ay naging malapit sa isa’t isa na set ng noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” kung saan mainstay ang dalawa.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE