Chizheart

Heart, pinatitigil mag-shopping ni Chiz

January 18, 2022 Vinia Vivar 327 views

’Kaaliw ang latest vlog ni Heart Evangelista kung saan ay diretsahan siyang sinabihan ng asawang si Gov. Chiz Escudero na tigil-tigilan na ang pagsa-shopping.

Nabanggit kasi ni Heart na kaya siya tanggap nang tanggap ng work ay dahil slave siya sa kanyang expenses.

Sagot ng Sorsogon governor, “Then control your expenses so you don’t have to be a slave.”

Tanong ni Heart, “Anong gagawin ko sa States habang nando’n ako nakatulala?”

Sagot ni Chiz, “Magbasa ng libro.”

Sey ni Heart, “Grabe naman ‘yung magbasa ng libro. Buong araw?”

Sagot ulit ni Chiz, “Kesa naman mag-shopping buong araw.”

Ipinunto rin ng politiko na mula bata pa si Heart ay pagsa-shopping na ang ginagawa kaya it’s about time na tigilan na raw niya ito.

Tinanong ni Heart ang mister kung may pagkakataon ba na na-bother ito sa kanyang expenses.

“Of course. Just yesterday, for example. OA kasi. Again, contentment. You have to be happy with what you have. Be content. Hindi mauubusan ng bagong bag, hindi mauubusan ng bagong relo, bracelet, bagong damit, bagong gamit sa bahay. Palaging may lalabas ‘yan — bukas, makalawa, next week, next month, next year.

“Tantanan na. Tigilan na. Hindi naman tayo nagkukulang. Tama naman,” sey ni Chiz, nakangiti pero alam mong seryoso.

Um-agree naman si Heart sa sinabi ng asawa.

“Totoo naman. Gets ko naman ‘yun,” aniya.

Tanong ni Chiz, “Kelan mo gagawin?”

Sagot ni Heart, “Ngayon, gagawin ko na. I’m sure there’s going to be an event, a really beautiful event in my life when things will shift for me.”

Pero kontra ni Chiz, hindi naman kailangang hintayin pa ‘yun ni Heart.

“Noted,” sey naman ni Heart.

AUTHOR PROFILE