Heart

Heart, October cover girl ng sikat na international fashion mag

October 3, 2023 Ian F. Fariñas 128 views

ANG style icon na si Heart Evangelista ang October cover girl ng Indonesia edition ng pamosong international fashion magazine na Harper’s Bazaar.

Senyales ito na na-penetrate na ng Kapuso actress ang mga karatig-bansa sa Southeast Asia at lumalaki na ang base following ng global fashion darling dahil na rin sa mga exposure niya sa naglalakihang international fashion events tulad ng Milan Fashion Week, New York Fashion Week at Paris Fashion Week na kasalukuyang ginaganap sa France.

“Say hello to our October 2023 digital cover star, fashion darling @iamhearte in @tiffanyandco jewelry,” pahayag ng Bazaar sa kanilang Instagram account kung saan ibinandera nito ang social media influencer/actress sa iba’t ibang fasahion poses.

“In the wake of her first visit to Indonesia, Filipina-born actress Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero made time for a photo shoot with Bazaar while sharing her life experiences and love of fashion,” dagdag pa ng nasabing magazine.

Nasa Bahasa Indonesia ang pagkakasulat ng artikulo sa online magazine, except sa headline na The Heart of the Matter.

Actually, napag-alaman namin na isinagawa ang photoshoot/interview kasabay ng unang nagdalaw ni Heart sa Jakarta noong Agosto para sa isang event ng Tiffany’s & Co., kung saan siya ang isa sa mga leading global brand ambassador.

Sa Singapore, cover girl naman si Heart ng August issue ng fashion magazine na ICON kung saan tinagurian siyang “Fashion Queen.”

“Fashion queen Heart Evangelista, who stands at the top of the pyramid, is not afraid of new challenges, and her secret to winning is simple: Be kind and be yourself,” deklara ng ICON magazine bilang teaser sa artikulo sa kanilang website.

Sa latest Instagram post naman ni Heart, nabanggit niya na ilang araw pa at matatapos na ang Paris Fashion Week.

Makikita rin sa kanyang postings ang iba’t ibang fashion shows na kanyang dinaluhan at mga collab sa iconic designers tulad ng Dior, YSL, Roberto Cavalli, Fausto Puglisi, Tods, Balmain, Bally, Versace at marami pang iba.

Hindi na talaga made-denay, base sa mga viral video na naglalabasan, na ang Pinoy pride at Fashion Queen/Style Icon ang isa sa most-covered personalities sa iba’t ibang fashion magazines mula Europa, Latin America at Asia thus far sa Paris Fashion Week gaya ng Vogue; Glamour Magazine UK and Mexico; Daily Mail UK; Purepeople France, Marie Claire France, Le Figaro France; Harpers Bazaaar Greece, US and Vietnam; Elle Spain, Japan, and Vietnam; Parati Spain; Grazia Magazine Italy and Vanity Fair Italy; Berliner Zeitung ng Germany; Hola Mexico; Mag Lebanon; Tatler Asia; LÓfficiel Thailand at marami pang iba.

Maliban dito ang Instagram posts sa account ng @parisfashionweek kung saan kasama si Heart sa kuha ng kilalang fashion videographers tulad ni @sametgorgozfilms na nag-post ng street style looks Womenswear Paris Fashion Week Spring/Summer 2024.

Maituturing ngang trailblazer si Heart sa larangan na kanyang pinasok.

Napatunayan niya na kahit hindi isang professional fashion model na rumarampa sa mga catwalk ay maaaring maging matagumpay.

She has been so successful that it’s no wonder why others are now trying to follow and emulate her.

Huwag na tayong lumayo pa dahil sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Kapamilya actress Anne Curtis ay nagsimula na ring sumunod sa mga yapak ni Heart sa mundo ng fashion.

First timers ang mga ito na makibahagi sa Milan at Paris Fashion Weeks at buong puso silang winelcome ni Heart, huh!

AUTHOR PROFILE