![Heart1](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2023/11/Heart1.jpg)
Heart namudmod ng Hermes bags sa staff
Hindi talaga matatawaran ang pagiging generous ni Heart Evangelista lalo na nga sa mga mahal niya sa buhay.
Nitong nakaraang Pasko ay binigyan niya ng mamahaling Hermes bag ang kanyang team, imagine?!
Sa nakaraang episode ng “Heart World” ni Heart ay mapapanood kung paano niya binigay ang designer’s bag to each one of her team.
Nakakaaliw na nakabalot ang mamahaling bag sa mga dyaryo at nilagay niya ito sa isang styro box na may lamang tilapia.
Katwiran nga ni Heart, para hindi mahalata agad kung ano ang laman.
“I always want kung anong mayroon ako, gusto ko lahat kami mayroon. Lahat naman tayong nagwo-work hard, ‘di ba?” sey ni Heart.
Ipinakita nga rin ang priceless reaction ng kanyang team pag-open ng box at hindi rin nila napigilang maging emotional.
“We love you. Words are not enough to explain everything, to say thank yous. Wala pa ’atang naimbentong salita na more than thank you very much just to you know show our appreciation. You can count on us, it’s not about the gifts, but it’s more about the love. We are family, at ang family walang iwanan,” sey ng Sparkle assistant manager niyang si Ira Lesaca.
Ayon naman sa aktres, deserve ng kanyang team ang naturang regalo.
“I know every single pagod, puyat, trabaho na ginawa natin wasn’t just work for you, and it’s not because you would say that pero nararamdaman ko na ginagawa niyo hindi lang dahil trabaho siya, (kundi) dahil mahal natin ang isa’t isa. So deserve,” she said.
Ayon pa kay Heart, hindi ang presyo ang mahalaga sa regalo but the story behind the gift at ang pagmamahal na kalakip nito.
“Ako, sa totoo lang ako, sobrang babaw ko lang. Bigyan mo lang ako ng socks na may picture ni Panda, masaya na ako. So truly, it’s about the story behind it, and it’s about the heart that you give with the present na binigay mo sa mga mahal mo sa buhay,” sey ng fashion icon.