Heart

Heart nagbabala sa misrepresentation sa fashion week

February 26, 2024 Vinia Vivar 88 views

Nagbigay ng babala si Heart Evangelista sa kanyang mga contact sa fashion week hinggil sa mga taong nagmi-misrepresent sa kanya.

Apparently ay may ibang tao na nagpapanggap na representative niya sa fashion week na nagsasabing hindi siya makakadalo sa mga fashion event.

Paglilinaw ni Heart sa kanyang Instagram Story, siya ay affiliated lamang sa Alice Talents Agency and Directions Group, Inc.

“To all my fashion LOVES in fashion week: For clarity, I am not affiliated with any other person but @ataparis_ and @directionsgroupinc,” aniya.

Kaya i-confirm muna sa kanya o sa mga nabanggit na ahensya kapag may mga taong nagsasabi na hindi siya makakadalo.

“So, if there’s a party that says ‘she can’t make it,’ kindly confirm with me or my representatives. Thank you so much!” sey ng fashion icon.

Heart recently attend the Fendi Women’s Fall/Winter 2024 show in Milan, Italy na dinaluhan din ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

AUTHOR PROFILE