Heart

Heart, ipinag-shopping ng ama sa Versace

January 2, 2023 Vinia Vivar 258 views

HALATANG spoiled pa rin at baby girl ng ama ang balik-bansang si Heart Evangelista.

Kitang-kita ‘yon sa Instagram story ng aktres at fashion icon kung saan ipinag-shopping siya ng daddy niya ng damit at sapatos na Versace nitong holiday season.

Hindi naman ipinakita ni Heart kung kasama nila ng tatay niya ang mister na si Chiz Escudero na nitong New Year lang ay muli niyang nakasama pati na ang kanyang stepkids.

Matagal na ngang inabangan ang reunion post ni Heart kasama si Chiz.

Ipinost ng aktres last December 31, 2022 ang family photo nila na nilagyan pa niya ng maikling caption na “happy 2023.”

May larawan din na magka-holding hands silang mag-asawa.

Ang daming na-happy para kina Heart at Chiz at halatang na-miss talaga ng fans na makitang magkasama silang dalawa.

Pati ang kapwa-celebrities ni Heart ay natuwa sa kanyang post at binati sila ng “Happy New Year.”

Pero may mga pumuna na mukhang malungkot daw si Heart sa photo unlike si Chiz na all smiles.

“Not sure if you guys are back together because I don’t see Heart happy. It looks like she is just forcing herself to be with him just for their fans. It’s just what I see,” komento ng isang netizen.

“Your eyes dont lie Miss Heart. I still see pain and sadness. Hope for a better 2023,” puna naman ng isa pa.

“Agree ako r’yan. Her eyes really dont lie. Simula nung nagka-issue before iba na mata ni heart even sa mga photoshoots nya. People will not see it lalo na ung hnd mrunong tumingin from the heart. Eyes will show the real inside. Thats why i admire heart her beauty is in her eyes… so wag mga nega iba dyan,kailagan ni heart ipakita in public na ok, not for personal dramas… gnyn artista at model. We hide it. But beautiful eyes never lie,” pagsang-ayon naman ng isa pang IG user.

Pero may mga nagtanggol naman kay Heart at sey nila “leave them alone.”

May nagsabi rin na ang importante ay buo pa rin ang pamilya nila.

ALDEN, RATSADA SA NEGOSYO

Kasisimula pa lang ng 2023 pero napakarami nang plano ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para sa kanyang career at negosyo.

Pinag-aaralan pa niya ang isang movie project na pang-international release, gayundin ang TV project na kanyang gagawin.

Binabalak din niyang mag-produce ng malalaking concerts this year.

Matatandaang nagtayo ang aktor ng Myriad Corporation na isa sa mga producer ng successful reunion concert ng kilalang OPM band na Eraserheads.

Sa ngayon ay kasado na raw ang next project ng Myriad at ito ay isang e-sports tournament na gaganapin ngayong Enero.

Ito na raw ang pinakamalaking gaming tournament sa bansa na naglalayong magbigay ng exposure sa mga Filipino gamer.

“Ipina-pattern ko siya sa mga current tournaments na meron tayo rito sa atin, sa bansa natin. Sobrang tedious, sobrang ano, sobrang hirap niyang gawin pero nae-excite ako sa mahirap, eh. ‘Yung kinakaban ka kung mapu-pull off mo ba siya,” sey ni Alden sa panayam ng GMA-7.

Bagama’t hindi raw naging madali sa kanya ang nakaraang taon, thankful siya dahil marami rin siyang natutunan.

Mas na-explore raw niya nitong 2022 ang mga bagay na gusto niyang gawin sa kanyang career bilang aktor at entrepreneur. Pero siyempre ay may kapalit din itong paghihirap.

“Hindi naman talaga lagi smooth sailing ‘yung buhay natin pero everything that has happened, at the end of the day may mga learnings ako roon. So I’m very grateful for it. And I have to admit, hindi naging madali ‘yung 2022,” aniya.

Pero kahit mahirap ay masaya naman daw siya na nagawa niya ang mga bagay na akala niya’y hindi niya magagawa. Kaya payo rin niya sa lahat, matuto tayong kumawala sa comfort zone.

“’Yung kaba, ‘yung nervousness, ‘yun ang mga bagay na dapat mong ginagawa kasi it means hindi ka sure sa outcome. As opposed to you’re just in your comfort zone na alam mo na ang lahat ng turnout ng mga ginagawa mo,” he said.

AUTHOR PROFILE