Heart

Heart hiwalay na persona sa kay Chiz

January 31, 2022 Aster Amoyo 187 views

WALANG alinlangan na ang misis ng senatoriable at Sorsogon Governor na si Chiz Escudero na si Heart Evangelista (36) ang kaisa-isang Filipina fashion icon na kilala at kaibigan ng mga top fashion brand owners and executives in Paris kaya naman welcome parati ang singer, actress, host, visual artist, philanthropist at celebrity endorser kapag ito’y dumadalaw sa tinaguriang City of Lights sa taunang Paris Fashion Week. While in Paris, she gets the chance to showcase her own fashion brand and style at nakikipag-hobnobbing sa mga who’s who in Paris behind the top fashion brands tulad ng Louis Vuitton, Hermes, Chanel, Dior at iba pa.

Heart was seen in a photo with Hermes’s Michael Costefr, ang head ng external relations ng Hermes Group of Companies na isa sa mga kaibigan ng misis ni Gov. Chiz Escudero. She was also met by Dior’s executive pagdating niya ng Paris.

Although si Heart ang First Lady ng Sorsogon kung saan gobernador ang kanyang mister, she is her own person apart from his politician husband. Ang ikinatutuwa ng singer-actress ay ang pagiging supportive ng kanyang husband na si Gov. Francis ‘Chiz’ Escudero sa kanyang passion at interests.

Heart started her career in late 90’s nang siya’y maging bahagi ng youth-oriented program na “G-mik” ng ABS-CBN in 1999. This year, she will be celebrating her 23rd year in showbiz.

EnchongEnchong negosyo muna bago livelife

THIRTY-three year-old swimmer athlete-turned actor-entrepreneur Enchong Dee has been in showbiz for over 15 years now and has been in a relationship with his current girlfriend na si Samantha Lewis for nearly eight years now. Since matagal na ang kanilang relasyon ng kanyang girlfriend, hinihintay na rin ng kanyang mga followers kung kelan ito magpu-propose and eventually mag-papakasal. After all, nasa tamang edad na rin naman siya. But the actor is not in a hurry to plunge into marriage dahil marami pa siyang gustong gawin bago siya mag-buo ng sarili niyang pamilya.

Bukod sa kanyang pagiging actor, si Enchong ay isa ring successful businessman. Meron siyang pag-aaring chain of restaurants at iba pang negosyo. Nung nakaraang July 2021, he invested in a new business kung saan niya co-investor ang ex-PBB housemate-turned actor-entrepreneur na si Joshua Garcia sa local franchise ng Academy of Rock (Philippines) na nagsimula sa Singapore in 2007. The first local franchise was opened nung 2009 pero ito’y nagsara nung 2016. But was re-opened with new sets of investors at kasama na nga rito sina Enchong at Joshua maging si Jonathan Manalo ng Star Music ang Star Pop label head na si Rox Santos at iba pa.

Ang Academy of Rock (AoR) ay nagtuturo ng guitar, bass, voice, drums, ukulele at music production . Ang mga estudyante ay pwedeng mag-aral online or one-on-one face-to-face sessions with personalized approach.

Ang Academy of Rock ay matatagpuan at No. 19 Scout Borromeo, Brgy. South Triangle, Quezon City at bukas simula 10:00 a.m. hanggang 8:30 p.m.

Samantala, hindi ikinakaila ni Joshua na nai-inspire umano siya ni Enchong bilang isang entrepreneur kaya ito rin ang nag-encourage na magsimula na rin siyang mag-invest sa negosyo.

JoshuaJoshua hindi nagmamadaling magka-girlfriend

ALMOST three years na ring loveless ngayon ang twenty-four-year-old ex-PBB house-turned actor-entrepreneur na si Joshua Garcia matapos silang maghiwalay ng kanyang first showbiz ex-girlfriend na si Julia Barretto sometime in April 2019. Pero kung nanaisin ng young actor ay madali ito lalupa’t maraming young actresses ang may crush sa kanya at kasama na rito ang sexy star and top celebrity vlogger na si Ivana Alawi.

Kung ang followers lamang ni Joshua ang masusunod, gusto nila na i-pursue na ng young actor si Ivana lalupa’t magkaibigan na ang dalawa at nagkakatawagan na. Katunayan, balak ng dalawa na mag-collaborate sa isang vlog na hindi pa natutuloy hanggang ngayon.

Nagsimula ang pagiging friends and textmates nina Joshua at Ivana nang magbigay ng surprise video birthday greetings ang actor kay Ivana sa kaarawan ng actress-vlogger last December.

Bukod kay Ivana, bet din ng mga fans ng actor sina Jane de Leon at Charlie Dizon , ang magkahiwalay niyang kapareha sa separate TV series na “Darna” at “Viral Scandal”. Tumatakbo na sa ere ang “Viral Scandal” with Charlie habang ang “Darna” at nasa gitna pa lamang ng lock-in taping.

Pero nakatitiyak kami na hindi magtatapos ang taong ito na walang bagong girlfriend si Joshua.

Breakup syndrome may pang-apat

HINDI lamang pala tatlong celebrity couples ang napapapabalitang hiwalay na kundi apat sa pagpasok ng bagong taon at ang mga ito ay ang mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez, ang magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang mag-partner na sina Carlo Aquino at Trina Candaza at ang pang-apat ay ang mag-asawang Maxene Magalona at Rob Mananquil.

Si Maxene ay panganay na anak ng yumaong King of Rap na si Francis Magalona at misis nitong si Pia Arroyo-Magalona at nakatatandang kapatid ng young singer- actor na si Elmo Magalona.

Maxene started dating musician Rob in 2015 at got engaged nung February 14, 2017 in Tokyo, Japan na sinundan ng kanilang pagpapakasal nung January 11, 2018. The couple would have celebrated their 4th wedding anniversary last January 11 pero mukhang hindi na ito umabot.

Although mainit na pinag-uusapan ang respective break-ups ng apat ng couple, wala pang umaamin sa kanila.

Ang mag-asawang Carla at Tom ay nung October 23, 2021 lamang ikinasal and got engaged nung March 2020 but was in a relationship since 2013 na nagsimula sa set ng kanilang ginawang TV series na “My Husband’s Lover” with Dennis Trillo.

Diego and Barbie celebrated their first anniversary bilang magkasintahan last December 11, 2021 sa isang resort in Pangasinan habang ang magkasintahang Carlo at Trina started dating in January 2019 at nag-plano ang dalawa na magpapakasal. Meron na rin silang isang anak, si Enola Mithi Aquino na isinilang nung September 18, 2021.

Sa apat na couples, ang mag-asawang Carla at Tom ang pinakamatagal ang relasyon na sinundan ng mag-asawang Maxene at Rob. More than two years sina Carlo at Trina habang one year pa lamang ang relasyon nina Diego at Barbie.

Since January pa lamang at unang buwan ng taong 2022, tiyak na marami pang celebrity break-ups ang puwedeng mangyari between now and December 2022.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE