Heart

Heart, ‘di binigo ang fans na abangers sa SONA gown

July 24, 2023 Vinia Vivar 216 views

Sa tuwing sasapit ang State of the Nation Address (SONA), isa sa mga talagang inaabangan ay ang mga kasuotan ng attendees.

Of course, curious ang lahat na makita ang mga nagbobonggahang gowns or barong na suot ng mga politiko, politican’s wife/husband at mga kilalang personalidad.

Isa nga sa mga laging inaabangan sa ganitong okasyon ay ang fashion icon na misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista.

Sa SONA 2023 na ginanap ngayong araw, July 24, ay hindi binigo ni Heart ang abangers niyang tagahanga dahil talaga namang head-turner ang misis ni Sen. Chiz sa dalawang kasuotan.

Sa opening ceremonies of the Philippine Senate, Heart was wearing an all-white Filipiniana jumpsuit made by Filipino designer Ivarluski Aseron.

Sa SONA naman ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Batasang Pambansa, isang Filipiniana gown ang kanyang suot designed by Michael Leyva.

Head-turner din si Kaladkaren sa violet gown by Martin Bautista.

Pinuri rin ng netizens ang baro’t saya ni Sen. Risa Hontiveros na gawa naman ni Joel Acebuche.

Nakuhanan din ng camera si Bianca Manalo habang nasa red carpet wearing a white Filipiniana gown with floral details.

Sa post naman ni Sen. Loren Legarda, inilarawan niya ang kanyang kasuotan.

“As we open the 2nd Regular Session of the 19th Congress today, we take pride in wearing our Philippine textiles. I wore an old 20-year-old pinya liniwan hand embroidered top designed by Filipina fashion designer and heritage conservationist Patis Tesoro, hand embroidered by the women of Lumban, Laguna, wore Marikina made shoes by entrepreneur and shoemaker Tish Sevilla, and a colorful bag by young talented designer Carissa Cruz-Evangelista.

“Wearing local clothing and supporting msme are ways we can celebrate the unique and intricate local fabrics and products carefully crafted by our artisans,” pahayag ni Sen. Loren.

AUTHOR PROFILE