Heart at Piolo napupusuang endorsers ng skin care owner/CEO
SINA Piolo Pascual at global fashion icon Heart Evangelista ang tina-target na sunod na endorsers ng SCD Skin Care owner/CEO na si Gracee Angeles.
‘Yan ang isa sa mga ibinahagi ng negosyante sa entertainment press na imbitado sa kanyang bonggang birthday celebration na ginanap sa Sundowners Beach Resort sa Botolan, Zambales kamakailan.
Bukod sa pagbanggit kina Heart at Piolo, ibinalita rin ni Miss Gracee ang formal launch ng bagong produkto na SCD Retinol serum kasabay ng birthday niya.
Ayon sa entrepreneur, two years in the making ang Retinol serum at masusi nila itong pinag-aralan bago inilabas sa market.
Bata pang maituturing ang SCD sa skin care market, eight years to be exact, pero masaya si Miss Gracee na kahit paano ay kilala na ito here and abroad dahil sa dami ng bumibili ng kanilang mga produkto.
“Ang pinaka naging best seller po namin ay ang SCD Peeling Skin Lotion. Siya po talaga ang nagpakilala sa SCD,” kwento ni sa press.
Si Lovi Poe ang kauna-unahan nilang endorser mula 2022. Mula noon, mas lalo pang nakilala ang kanilang mga produkto. Patunay daw ito na efffective endorser ang misis ni Monty Blencowe.
Bagama’t boom na boom ngayon ang skin care industry, kwento ni Miss Gracee, gaya ng iba ay nagsimula rin naman siya sa pagiging zero.
Diin niya, “For three years or more, as in lagapak. Hindi ako nag-start na biglang boom. Talagang dinaanan ko muna lahat kung ano ‘yung madadaanan ng isang business owner.
“Pero maganda po kasi ‘yun kasi I know how to reach people, I know how to secure their investment, I know what they need.
Eight years later, masasabi raw niya na nasa mas magandang lugar na ang kumpanya niya kaya naman natutuwa siya’t mas marami na SCD distributors ang natutulungan niya. Katunayan, imbitado rin niya ang mga ito sa birthday celebration niya.
Paniniyak ni Miss Gracee, “Mas nagiging mayaman ‘yung distributors kesa sa akin. ‘Yun ang kagandahan po nu’n.”