Heart at Casa Fornasetti ng Milan, may nilulutong kolaborasyon
Kasalukuyang rumarampa sa Italy ang Global Fashion Icon na si Heart Evangelista para sa Milan Fashion Week na nagsimula noong Miyerkules, Sept 20.
Bukod sa pagdalo sa iba’t ibang fashion shows, busy din si Heart bilang Fashion Influencer sa pagsusuot ng luxury designer dresses, shoes and bags mula sa premyadong Italian Fashion Houses tulad ng Roberto Cavalli, Alberta Ferretti, Moschino, Fendi, Vivetta, Versace, Missino at Bally.
Kabilang din dito ang iba’t ibang global luxury brands na Tods, Philosophy at ang mga nabanggit niya sa kanyang posts na Onitsuka at Maxmara.
Pero may pasabog si Heart na talaga namang nag-trending sa social media. Ginulat kasi ng aktres ang kanyang fans at followers nang mag-post siya tungkol sa pagbisita niya sa The House of Fornasetti (Casa Fornasetti) sa Milan.
Hindi lang ‘yan. Personal na sinalubong si Heart ng tagapamuno ng ultra high-end multi-million dollar art Italian company na si Signore Barnaba Fornasetti, anak ni Piero, na siyang nagtayo ng art house noong 1940.
“Here’s a magical place where imagination meets design in Milan — Casa Fornasetti,” saad ni Heart sa Instagram.
“Opulence gave me the opportunity to visit the heart of the @fornasetti archive and immerse myself into an alluring world full of art and décor,” dagdag pa niya.
Matatandaan na kinuha ang misis ni Sen. Chiz Escudero bilang brand ambassador ng Opulence Design Concept nang ilunsad ito sa Maynila kamakailan.
Sila lang ang official seller ng mararangyang brand tulad ng Versace Home at Fornasetti para sa mga gamit pambahay, kasama na ang mga plato, tasa, cubiertos o silverware at iba pang gamit sa kusina.
Walang binanggit si Heart kung ano ang proyekto niya with Fornasetti pero sure na ang collaboration nito sa pamosong Italian brand.
“My journey with Opulence and Fornasetti has just started. Stay tuned for more details soon…,” sabi pa ni Heart sa IG post.
Bago ang latest collaboration na ito, personal nang gamit sa bahay nila ni Sen. Chiz ang dining sets ng Fornasetti (bukod sa Hermes at iba pa).
Kaya siguro natuwa ang Casa Fornasetti nang malamang tagahanga si Heart ng kanilang mga produkto noon pa man. At wala nang mas effective na endorser ng products nila sa ‘Pinas (and even in other countries), hindi ba?
Anyway, umani ng papuri mula sa mga tagahanga ang nasabing IG post ni Heart.
“World class!!! Global Beauty, Fashion and Style Icon Heart Evangelista @iamhearte xoxo,” komento ng isang netizen na may handle na @totingcutie.
Binansagan naman si Heart na “Fashion Supernova” ng may hawak ng page na @fashioniconheartevangelista.
Well, abangan natin sa mga susunod na araw ang announcement ni Heart kung ano ang naghihintay na surpresa mula sa kanya at sa Casa Fornasetti.
Ano nga kaya ito? ‘Kaka-excite!