belmonte

Healthy food procurement policy sa QC gagayahin ng ibang LGUs

August 1, 2023 Zaida I. Delos Reyes 206 views

GAGAYAHIN na rin ng ibang local government units at national government agencies ang polisiya ng Quezon City government patungkol sa Health Public Food Procurement (HPFP).

Ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng advocacy group na Imagine Law na bahagi ng hakbang upang makalikha ng mas malusog na bansa.

Sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte, naging matagumpay ang pagpapatupad ng lungsod sa polisiya kung kaya’t nagpahayag ang ilang LGU’s na nais rin nila itong gamitin.

Pinangunahan ni Mayor Belmonte ang Policy showcase sa Quezon City hall na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga interesadong LGUs, concerned national government agencies , professional organizations at academe.

Matatandaan na noong 2021, nagpalabas si Mayor Belmonte ng Executive Order No. 16 para sa implementasyon ng Healthy Public Food Procurement (HPFP) Policy, ang unang lungsod sa bansa na nag institutionalize ng polisiya sa kanilang operasyon.

Sa pamamagitan ng Policy Showcase, umaasa si Belmonte na maenganyo ang ibang lungsod na tularan ang hakbanging ito ng QC upang matiyak na walang pondo ng gobyerno na nasasayang lamang sa mga unhealthy food.

“Our vision is to foster a healthier community, not only for the well-being of individuals but also for the well-being of our planet.With cities at the forefront of addressing global issues such as health and nutrition and climate change, we all must stand together to enact strong policies to build a better future for our constituency,” pahayag ni Belmonte.

Pinasalamatan din ng alkalde ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), at National Nutrition Council (NNC) sa ipinamalas na interes sa inisyatiba ng QC na makakatulong sa mga lungsod at bayan na maipatupad din ang katulad na polisiya.

“By aligning sustainable food production with healthy food procurement, we are making sure that health and food security go hand in hand,” dagdag ni Belmonte .

Ang hakbang na ito ng QC LGU ay pinarangalan ng Department of Health sa Healthy Pilipinas Awards noong 2022.

Ang QC LGU ay tumanggap ng technical assistance mula sa Policy for Healthy Cities Program hinggil sa Vital Strategies para sa pagbuo ng Calorie Labelling Policy na may malaking tulong sa mga taga QC na makapili ng kung anung pagkain ang maaaring kainin base sa kanilang calorie content.

Ang Calorie Labelling Policy ay ipatutupad sa lalung madaling panahon sa tulong ng Imagine Law.