Skye Larawan mula sa IG/Skye Gonzaga

Hayahay kay Skye

February 24, 2025 People's Tonight 229 views

IMAGINATION nga ang limit sa patakam na inihain ng kilalang DJ at Vivamax sexy star na si Skye Gonzaga.

Biyaheng langit ang experience sa kanyang mga bikini photos na ibinida niya sa kanyang Instagram page.

“White bikini, white sand, and island dreams,” saad niya pa sa caption ng nasabing post.

Mala-paraiso ang ganda ng kanyang katawan habang nasa beach. Todo-flex siya sa kanyang perpektong pigura sa suot-suot na puting two-piece swimwear.

Ang balat niyang walang kasing kinis, walang mintis kung sipatin ng male fans.

Sa tindig pa lang niya, maninigas agad ang mga “T” ng mga kelot na trip siya. Tiklop sila sa karisma na taglay ni Skye.

Pati ang kapwa niya Vivamax actress na si Zsara Laxamana, napa-react sa nagsasarapang larawan ni Skye.

“Kalami,” komento ni Zsara.

Pinusuan naman ng netizens ang nasabing post.

Sa nagdaang taon ay naipamalas na agad ni Skye ang kanyang husay sa pag-arte nang mapabilang sa ilang proyekto ng Vivamax. Kabilang sa kanyang mga palabas ang ‘Baligtaran,’ ‘Triange,’ ‘Kiskisan,’ at ‘Ang Pintor at ang Paraluman.’

AUTHOR PROFILE