Hatol kay Roderick ikinalungkot ng marami

December 3, 2022 Aster Amoyo 249 views

MARAMING tag-showbiz ang nalungkot nang mahatulan ng Sandiganbayan ang veteran singer-actor, comedian, dating TV host at dating konsehal ng ikalawang distrito ng Quezon City na si Roderick Paulate (62) of graft and corruption na may kinalaman sa pag-hire ng 30 `ghost employees’ nung siya’y nanunungkulan pa bilang councilor sa nasabing distrito in 2010.

It was in January 2016 nang siya’y ma-dismiss sa kanyang tungkulin and was perpetually disqualified for any public office. Pero tumakbo pa rin siya sa pagka- vice mayor ng Quezon City bilang ka-tandem ng dating kinakatawan ng 2nd district ng Quezon City na si Chuck Mathay nung 2019 but both lost in the election. Muli rin siyang kumandidato sa pagka-konsehal ng 2nd district of Quezon City sa ilalim ng partido ni Mike Defensor na siyang tumakbo sa pagka-mayor ng Quezon City pero pareho silang hindi pinalad nitong nakaraang halalan.

Base sa hatol ng anti-graft court 7th Division last November 25, 2022, si Roderick ay makukulong sa loob ng anim hanggang walong taon for graft, anim na buwan hanggang 6 years sa bawat count of falsification of public documents. He was also ordered to pay P11M na siyang halaga ng kabuuang suweldo ng mga fictitious job contract personnel at may karagdagang multa ng P10,000 each para sa kasong falsification of public documents.

The award-winning veteran singer-actor and former host and politician started his showbiz career as a child actor in the `60s. He won 6 Best Child Actor awards and 17 awards as an adult actor at kasama na rito ang Best Actor in Drama mula sa Asian Television Awards.

He won his first Best Child Actor award in 1968 for “Kasalanan Kaya” na sinundan ng FAMAS in 1970 for “Angel Na Walang Langit”. In 1979, gumanap si Roderick ng kanyang kauna-unahang gay role sa pelikulang “High School Circa `65” na dinirek ng yumaong si Maryo J. de los Reyes.

Pinagbidahan din niya ang pelikulang “Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting” in 1988 at “Petrang Kabayo 2” in 1989. Marami man ang nalungkot, umaasa at nananalangin pa rin sila na sana’y malampasan lahat ni Dick ang bagong pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

Papi

Comedy film malaking hamon sa mga producer

MALAKING challenge sa Viva Films at sa Feast Foundation na ipalabas sa mga sinehan simula ngayong December 7, 2022 ang comedy film na “Call Me Papi” na tinatampukan nina Enzo Pineda, Albie Casino, Lharby Policarpio, Royce Cabrera at Aaron Concepcion at dinirek ni Alvin B. Yapan dahil alam naman ng marami na hindi pa ganoon ka-normal ang pagdagsa ng mga manonood sa mga sinehan dahil sa pandemya.

Just the same, confident sila na ang pelikulang “Call Me Papi” ay tatangkilikin ng mga manonood dahil sa kakaibang tema ng pelikula na nagpapakita ng tunay na pagkakaibigan, samahan at suportahan sa kabila ng kanilang magkakaibang sitwasyon na ipinakita sa kuwento ng pelikula.

May special participation sa movie sina Irma Adlawan at Katya Santos. Ang “Call Me Papi” ay nagkaroon ng successful red carpet premiere night sa SM Megamall Cinema nung nakaraang Biyernes ng gabi.

Pic

Rachelle Ann manganganak na naman

SA first quarter ng 2023 ay nakatakdang isilang ng London-based singer- actress na si Rachelle Ann Go-Spies ang ipinagbubuntis sa kanyang American husband na si Martin
Spies. Ito ang magiging second baby nina Rachelle Ann at Martin. Ang kanilang panganay na si Lukas Judah ay isinilang nung March 26, 2021 making him one year and eight months old.

The couple have now moved to their own house in Greenwich, London in December 2019.

Once a year, Rachelle Ann visits her family in the Philippines and do some shows on the side and catching up with her friends including Sarah Geronimo, Christian Bautista, Erik Santos among others.

DingdongDingdong1Dingdong2

Charo at Dingdong magsasama sa isang pelikula

AFTER winning Best Actress sa nakaraang FAMAS Awards at The EDDYS Choice Awards para sa mahusay niyang pagkakaganap sa pelikulang “Kun Maupay Man It Panahon” na ipinalabas nung isang taon, balik pelikula ang award-winning actress at host ng longest-running drama anthology on TV, ang “Maalaala Mo Kaya” na si Charo Santos-Concio .

She is soon to start a new movie with Kapuso actor Dingdong Dantes na pinamagatang “Love After Love” mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor na first time niya makakatrabaho. Ang nasabing pelikula ay kolaborasyon ni Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment, Perry Lansigan ng PPL Entertainment at ng dating managing director ng Star
Cinema na si Malou Santos as producers.

“It’s a story about friendship. This was pitched to us way back in 2019.

But as you know so many things happened (pandemic et al). Now that things are going back to normal, Cornerstone picked it up, and we are finalling doing ito,” mensahe sa amin ni Charo. “Looking forward to working with Dingdong and Direk Irene,” dugtong pa niya. SUBSCRIBE, lke, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE