Harvey

Harvey at Criza windang sa international award

September 28, 2024 Vinia Vivar 97 views

Hindi makapaniwala ang Star Magic Talent na si Harvey Bautista na ang youth series nilang “Zoomers” ay mananalong Best Asian Short-Form Drama/Series sa katatapos na ContentAsia Awards 2024 sa Taipei, Taiwan.

Ayon sa anak ni dating QC Mayor Herbert Bautista, sobrang overwhelming para sa kanila ang award lalo pa nga’t maliit na pamilya lang sila sa “Zoomers.”

“Criza (Taa, isa rin sa cast ng ‘Zoomers’) and I were shooting our next project together ‘yung ‘Deadline’ where mga 5 or 6 p.m. na, tapos kakatapos lang namin ng eksena.

“Tapos nakita ko lang bigla nag-post ‘yung Star Magic na nanalo ‘yung ‘Zoomers’. Tapos nagulat ako and our producer was there kasi the producer of ‘Zoomers’ is also producing that. She was there. Nakakabigla lang. Tapos after that, we just went back to shooting the movie,” pahayag ni Harvey sa presscon ng Spotlight ng Star Magic.

Dagdag naman ni Criza, “Super overwhelming kasi, knowing kaming dalawa ni Harvey, ito ‘yung first bida role namin tapos may award agad.”

At the same time, aminado rin siya na nakaka-pressure ang award na natanggap.

“Sobrang sarap sa feeling and parang in a way nakaka-pressure din po siya kasi siyempre, ‘di ba, grabe ‘yung recognition, so dapat sa mga susunod mas galingan namin. Super, super grateful and super, super thankful, lalo na po sa mga naniwala sa ‘min behind the camera,” sey ni Criza.

Makikita ang talent at dedication ng team ng “Zoomers” mapalikod o harap man ng camera. Patunay ito na nararapat ang pagkapanalo nila sa international scene at marami pang dapat abangan sa cast.

Bukod kina Harvey at Criza, ka-join din sa “Zoomers” sina Luke Alford, Ralph DeLeon at Krystl Ball.

BOY ’DI BIASED KAY CARLOS

May sagot ang King of Talk na si Boy Abunda sa mga nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakapanayam ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Halos lahat nga naman ng talk show host ay nagkakandanrapa na mai-guest si Carlos sa kanilang programa. Si Kuya Boy na lang yata ang hindi pa nakakapag-interview sa kanya.

Sa isang panayam ng GMA kamakailan, inamin ni Kuya Boy na sinubukan ng kanyang team na imbitahan si Carlos sa “Fast Talk,” pero hindi ito nangyari dahil sa conflict sa schedule.

Kaya naman ayaw munang pilitin ng TV host na himayin o iprisinta ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Carlos.

“Napakahirap kasi kulang ako sa detalye. What we know is what we read. How much of that is really real? May mga reaksyon tayo kasi nababantayan ko rin like all of you.

“Napapanood ko rin, lalo na ‘yung umpisa — nag-post ang nanay ng ‘Mabuhay ang Japan,’ sumagot ang anak with Chloe in bed — lahat ‘yan nakita ko. ‘Yung mga sagutan, hindi ko na alam kung ano ‘yung totoo at kung ano ‘yung hindi.

“Sa parada, nandu’n ang tatay hanggang nag-change of heart na ang father, nag-iba na ang tono. So, katulad ng marami, I wanna know the truth, ‘di ba? It’s so hard to judge kasi limitado ‘yung aking facts,” paliwanag ni Kuya Boy.

Hindi rin daw totoo na baka maging biased siya sa issue ni Carlos at ng ina nito dahil maka-nanay siya.

“Some people would say, ‘Boy is not interested because maka-nanay.’ Hindi naman. That’s not fair.

“Maka-nanay naman talaga ako at naniniwala naman talaga ako… Napakapersonal nu’n at sasabihin ko na, ‘Walang gagawin ang nanay ko na hindi ko mapapatawad.’ But that’s me. I will not impose that on anyone.

“Do I know the story of Carlos and the mom? I don’t… ‘Yung dynamics nila, bakit ganu’n, even the brother and sister, iba ‘yung pag-uusap nila,” katwiran ni Kuya Boy.

AUTHOR PROFILE