AJ Screenshots mula sa Instagram/@ajravsss

Harot video ni AJ, Aljur pinutakti ng comments

September 9, 2023 People's Tonight 478 views

IBINIDA ng Vivamax actress na si AJ Raval ang kanyang skills sa pagluluto sa isang video pati na ang sweet moment nila ng kanyang boyfriend at model-actor na si Aljur Abrenica.

Sa isang 15-second Instagram reel na ibinahagi ni AJ nitong Sabado, Setyembre 9, makikita ang aktres sa kanyang kusina na nagluluto.

Makikita rin sa isang short clip ng video si Aljur kung saan makikitang naka-back hug ito sa nobya habang nagluluto.

Mabilis na umagaw ng atensyon ng netizens ang post ni AJ. Inulan naman ito ng reaksyon sa comment section. May ilang nagsabi na ipagpatuloy lang ng daw ni AJ ang sweet moments nila ng kanyang nobyo at hayaan ang mga negatibong komento.

“Ituloy nyo lang AJ. Hayaan mo sila mamatay sa stress.”

“Dami na namang ampalaya dyan sa comment.”

“Mga nag cocomment ng negative pusta panget yan hehehe.”

“Perfect ituloy ninyo AJ and Aljur, dami na naman sasakit Ang puso sa inggit.”

“Basta ako kinikilig hahahah. Bahala kayo jan.”

AUTHOR PROFILE