Happy Birthday Philantropist James Kumar!

January 8, 2022 People's Tonight 279 views

Marlon PurificationHINDI ko na mabilang ang eksaktong taon kung gaano na kami katagal magkaibigan ni Manjindier ‘James’ Kumar, ang presidente ng Filipino Indian Commerce and Welfare Society Inc. (FICWSI).

Basta ang alam ko, mula down and up sa yugto ng buhay namin ay palagi kaming nagdadamayan.

Makulay ang buhay ni Kuya James. Sa rami ng taong natutulungan nito, may ilang masasamang nilalang din ang pilit na sinisira ang kanyang pagkatao.

Pero tulad ng matandang kasabihan, ‘No one can put a good man down!’ – angkop ito sa kalagayan ngayon ni Kumar.

Si Kumar para sa kaalaman ng lahat ay dalawang ulit na pinarangalan bilang Philanthropist of the Year ng Asia Leaders Awards – taong 2020 at 2021.

Ang pinamumunuan nitong FICWSI ay kinilala din bilang Best Corporate Social Responsibility.

Sa mga nagtatanong, ano ba ang FICWSI?

Ito po iyong samahan ng mga negosyanteng Filipino-Indian sa bansa na walang ibang layunin kundi tulungan ang mga kababayan nating Pinoy at Indian na nasa loob at labas ng bansa.

Kabi-kabila ang programa nito sa pagbibigay tulong – tulad ng ginagawang proyekto ng Filipino Chinese Chamber of Commerce Inc. na sinasaluduhan din natin dahil sa walang sawang pagbibigay nila ng tulong sa ating mga kababayan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Nasabi na ni Kumar kamakailan na ‘For generations, Filipinos and Indians harmoniously live together as one community. Generosity unites us to help fill in the needs.”

Mahigit dalawang dekada na itong ginagawa ni James na buhay saksi mismo ang inyong lingkod dahil sabi ko ‘nga, napakatagal na naming magkaibigan ni James na higit pa sa magkapatid ang aming turingan.

Kamakailan, nagdiwang ng kanyang kaaraman si Kumar.

Sa halip na magarbong selebrasyon ang gawin nito, kasama ng mapagmahal na asawa at mga anak, mas pinili nitong magpakain sa mga bata sa Negros province.

Katuwang ang Rotary Club of Makati Nielsen, mahigit 450 kabataan mula sa apat na barangay ang hinandugan ng pagkain ni James sa Bgy. Dos Hermanas sa Talisay City at Bgy. Handamanan ng Bacolod City.

Pati mga detainees sa Talisay City Jail ay nakalasap ng masarap na handa ni James na tinawag sa kanilang hashtag na #filindihelpline, #TogetherForACause, #TogetherWeHelp at #RCMakati Nielsen.

Nanguna sa feeding program si FICWSI member Sanju.

Ang huling artikulo natin kay Kumar ay nito lamang Disyembre dahil tumulong din ito sa mga biktima ng bagyong Odette.

At tulad ng sinabi ko, hangga’t hindi nagsasawang tumulong sa mga nangangailangan nating kababayan si Kuya James, hindi rin po ako titigil na isulat ang mga magaganda niyang gawa.

Sa puntong ito, pahintulutan n’yo po uli akong magpasalamat at bumati sa isa sa hinahangaan kong negosyante sa bansa.

Happy birthday, Kuya James!

Sana manatili kang malakas, matagumpay, masaya kasama ang pamilya at magpatuloy pa ang iyong magagandang gawa sa ating mga kababayan.

Cheers Kuya!

AUTHOR PROFILE