Hamon sa Big 3 airlines
ANGKOP ang utos ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista na tiyaking pasado sa international standards ang airline industry ng bansa.
Kaugnay nito, si NAIA General Manager Cesar Chiong at Office for Transportation Security, ang PNP-Aviation Security Group kasama at ang United State Transport Security Administration (US-TSA) ay nagsagawa ng pitong araw na security assessement sa airport at mga pasilidad nito.
Pangunahing tutukan sa nasabing assessement ang security procedure at mga airlines na may biyahe papasok at palabas mula sa United States of America.
Napakahalaga ng assessement na ito upang masiguro ang safety at security na lahat ng nagtatrabaho sa loob sa airport at mga pasilidad nito.
Alinsunod dito hinamon ng mga negosyante, biyahero, bakusyanista, at mga turists ang tinaguriang Big Three airlines ng bansa na patuloy magbigay ng low budget fare promos upang higit na dumami pa ang bumiyahe sa kanila.
Hinamon din ang mga airlines company ang patuloy ang striktong pagpapatupad ng health protocols upang mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero, piloto, cabin crew at mga staff.
Naniniwala ang mga airline companies na malapit na nilang maabot ang kanilang mga target income sa darating na mga buwan.
MABUHAY PO TAYONG LAHAT! SALAMAT SA TUNAY NA DIYOS!. ([email protected])