Default Thumbnail

Hamon ni Derek kqy Philmar: Magpakalalaki ka!

February 12, 2025 Vinia Vivar 143 views

Hindi na nakapagpigil pa si Derek Ramsay at nagbigay ng kanyang pahayag sa kontrobersiya ng magkarelasyong Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Sa gitna ng problema ng dalawa ay naiipit ang kaibigan niyang si Pernilla Sjoo na naakusahang third party sa relasyon ng engaged couple.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Derek ay ipinagtanggol ng aktor ang kaibigan at awang-awa siya rito na siyang tumatanggap ng matitinding pangba-bash ng netizens.

Ayon kay Derek, mali na magpalagay ng identical tattoo sina Philmar at Pernilla pero mali rin si Andi sa pagpo-post sa social media.

“Andi, mali ka. Babae ka, hindi kita aawayin. May respeto talaga ako do’n. Pero magsasalita ako. Mali ‘yon,” ani Derek.

Dapat daw ay inayos muna ni Andi ang problema nang sila lang ni Philmar at hindi na dapat isinapubliko pa.

“That was very irresponsible of you. Very, very irresponsible. Because you don’t know how a post like that can really destroy somebody,” mensahe ni Derek kay Andi.

Ang mas nakakainis pa raw ay nang mag-post si Philmar na “okay na kami, sana okay na rin kayo.”

Sey ni Derek, “Hindi ako okay. Kasama ako do’n sa ‘kayo.’ Kasi ‘yung kaibigan ko na kaibigan mo rin na matalik, sinaktan mo. Hindi ka man lang mag-apologize.”

Mensahe pa ng aktor kay Philmar, “so why don’t you have the decency and show some respect to Pernilla and clear her name? Pernilla feels bad about the tattoo thing and she reached out. She did.

She reached out to apologize for that.”

Ayon pa sa mister ni Ellen Adarna, paano naman si Pernilla na hanggang ngayon ay umiiyak dahil sa pangba-bash ng netizens?

“Meanwhile this poor lady is hiding, afraid for her life because she’s getting threats, afraid for her family who lives abroad,” pagbabahagi ni Derek.

“Okay na kayo, kayo ni Andi. This girl, she’s crying her eyes out everyday. She’s a very private person. Her mental health is so affected. She was a brave woman, she is a dear friend, she’s close to me and Ellen, I can sleep in the same bed with Pernilla and my wife would not doubt. That’s how close we are to her. So, tunay na kaibigan si Pernilla and she proved that to Philmar and even to Andi,” pagtatanggol pa ng aktor sa kaibigan.

He also revealed na may boyfriend si Pernilla na taga-Siargao rin at nasasaktan na rin ito.

Para naman sa fiancé ni Andi, ang matapang na mensahe ni Derek, “I wish Philmar would have the balls to be a man! Magpakalalaki ka! Ayusin mo ang problema mo sa asawa mo, unahin mo ‘yan, tama ka diyan. Pero huwag mong bastusin ‘yung tao na tumulong sa ‘yo sa lahat ng problema mo. Ipagtanggol mo ‘yung tao.”

As for the identical tattoo, sinabihan daw niya si Pernilla na mali ito pero idiniin ni Derek na walang intensyon ang kaibigan niya na saktan si Andi at agawin ang asawa nito.

AUTHOR PROFILE